Wednesday, October 2, 2013

Rise of the Pinoy Flicks

A scene from Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro
Pansin mo ba na lately blooming ang pinoy movie scene? Mukhang nagbunga na din ang walang humpay na pakikipaglaban ng mga pinoy artists para i-promote ang sarili nating galing pagdating sa paggawa ng mga pelikula. Kung dati parang matumal pa sa patak ng ulan ang datingan ng magagandang pinoy films na labas sa kahon ng usual genre na kung anong meron tayo (comedy, horror, drama, etc.) - ngayon parang pumapatak na ang ulan ng magagandang pelikulang pinoy.

At isa ako sa tuwang tuwang naliligo sa buhos ng ulan! With matching swimming pa sa baha, hehe.

Naaalala ko pa kung paano unti unting lumubog ang quality ng mga pelikula natin. Nandyang nauso ang pito-pito films. The ST Queens reigned over our cinema houses. Mabilisang mga pelikula sa mababang halaga na kahit paano kumikita. Why not di ba? Itapon na lang natin sa basurahan ang konsepto at istorya ng pelikula - damihan na lang ang sex scenes at fronal nudity para mas patok sa takilya. Nyemas. Kaya naman ganon na lang tuwa ko 'nung nalaos ang ganitong genre. Pero we're still far from sinking.

Napansin n'yo ba how pinoy action films just disappeared? The likes of Rudy Fernandez, Bong Revilla, Ace Vergel, etc. - biglang naglaho! All of a sudden naging iilang putahe na lang ang available sa palengke ng pinoy films. Parang kung hindi drama o comedy - horror! Panisin mo ang Manila Film Fest. Parang wala naman bago taon taon. Enteng Kabisote at Shake, Rattle and Roll - forever! Dati nasama ang Thy Womb ni Nora Aunor - ano nangyare? Hininto lang naman ang pagpapalabas kasi di raw kumikita. To think this film was critically acclaimed sa ibang bansa.

Pero para naman tayong bago ng bago.



Ilang beses na ba na dedma ang pinoy sa isang maganda pinoy film then biglang BOOM - that same film na nilangaw sa atin just won an award sa ibang bansa. Same thing happened to Jericho Rosales' Alagwa. It won an award sa Guam Film Fest. Then doon matatauhan ang mga pinoy. Maiintriga. Doon pa lang papansinin ang kailan lang dinedmang pelikula. Mas gusto kasi natin madalas mga generic pinoy mainstream movies. Well, why not? Sa dami ng problema natin ngayon mas gusto natin mga patawang pelikula. Sa sobrang stagnant ng buhay gusto natin masurpresa ng mga horror films. Sa sobrang manhid na natin sa sitwasyon ng Pilipinas gusto na'tin mapukaw ang damdamin natin sa drama.

Pero mainstream movies lang ba ang may kaya 'nun?



For the longest time Cinemalaya promotes indie films. Natutuwa ako dahil finally, they're being noticed ng lahat. Social media? Word of mouth? Maybe. Pero sa tingin ko utang nila ang publicity sa quality na din ng mga pelikulang naiipalabas nila. They became a medium to encourage film makers na huwag matakot mag eksperimento at bumasag ng pader pagdating sa paggawa ng films. And they're doing a good job. Dumami na din ang mga sumusulpot na indie films. Minsan kahit sobrang weird - okay lang! Relative naman lahat 'yan, self-expression kung baga. Kung dati kailangan ko pa dumayo ng pagkalayo layo para lang makanood ng indie films ngayon kahit sa SM pwede na panoorin. Okay di ba?



A few of the films I watched lately na I'm glad I did were Mga Kidnapper ni Ronnie Lazaro, Tuhog (not the Ina Raymundo film!), Ekstra and OTJ. OTJ maybe from Star Cinema pero it is NOT your usual film. Speaking of OTJ - wow, congrats sa mga bumubuo ng film na 'to! 100% rating sa rottentomatoes.com. WOW. This might just be numbers pero I can attest na they deserve it. I've been planning to write a review about OTJ pero I just thought might as well do a post na sakop lahat ng pelikulang bumubuhay sa dugo ng insdustriya. Creative blood!

Finally we're breaking free.


No comments:

Post a Comment