|
Inside our pool side room |
So nauna na nga kami ni Judy sa kwarto. Si Ron ay nag si-sight seeing pa din sa labas kaya for now, sana maka-diskarte na 'ko kay Judy, hehe. Feeling ko talaga mutual ang feelings namin, eh. Ang dami kong ka-tropang minions pero talagang ako pa ang pinili n'yang isama di ba? Well, technically si Ron ang nagsama sa'kin pero for all we know baka si Judy pala may suggestion 'non. ANYWAY, heto ang sandamakmak na gamit namin sa ibabaw ng kama (hanapin n'yo ko! hihihi...)
|
Where's Timmy? |
Habang nag-aayos ng gamit si Judy, I decided to freshen up sa banyo. I mean, kailangan pogi ako kapag nagtapat na ako sa kanya ng feelings ko, di ba? Kailangang bilisan ko na, mamaya dumating pa si Ron at maging balakid pa sa aking madilim, este, romantic na balak. At huwag ka! Habang nagmo-monologue pala ako sa banyo at nagpa-practice ng "proposal" ko - look who's been watching me all this time. BAD TRIP.
|
Wala ng respeto ang mga tao ngayon sa PRIVACY! |
"Hi Tim..." pang-asar na bungad sa'kin ni Ron. Humagalpak na lang ako ng tawa at sinabing JOKE lang ang lahat ng 'yun. Naniwala naman ang kumag. Buti na lang uto-uto, hehe. Pero syempre kelangan maingat na'ko sa mga susunod kong attempts kay Judy - mahirap na.
Maya maya pa na-aya na ng lunch si Ron.
|
The view from the our table |
Dumiretso na kami sa dining hall ng Acuatico. Old fashioned ang design ng hall dahil parang lahat yata yari sa kahoy. Pati music mala "fine dining" ang datingan. Classy at puro instrumentals lang. Well, 'nung nakita namin 'yung menu - I'd say the same thing about sa presyo ng food nila - CLASSY. Bawal magdala ng pagkain from outside world sa Acuatico so medyo no choice ang datingan pagdating sa food. Sabi nga sa'kin ni Ron baka pwedeng tubig dagat na lang daw ang orderin ko at isang platong buhangin. Demonyo talaga.
|
Nanlaki mata ko sa presyo! O sadyang makunat lang ako... |
|
At nagsimula ng mag-compute si Judy. LOL |
|
San ba camera?! |
|
Katakam-takaaaaam! |
In fairness, masarap naman pala ang fudams nila. So sulit naman. By the way, binili din pala ni Ron 'yung special shake na inooffer ng Acuatico na may kasamang freebie na dolphin. Stuffed toy na dolphin, syempre. So nagkaroon pa ako ng instant BFF - si DOLPHEE!
|
Di naman halatang enjoy kami sa isa't isa masyado |
|
Malakas din kumain si Dolphee |
|
Mukhang masama pa tingin ni Dolphee sa tinapay ko |
Masaya s'ya kasama. Kwela saka ang daming patawa. Siguro na-inspire dahil pinangalanan s'yang Dolphee ni Judy. The King Fisher of Comedy - pwede! Enjoy ang lunch ng mag asawa at kami rin naman ni Dolphee. Mukhang sinadya nga 'to ni Ron para ma-divert ang attention ko away from Judy. Well, sana naman babaeng stuffed toy ang binili di ba? After kumain, bumalik na kami sa room para mag-relax ng konti para after matunawan - IT'S SWIMMING TIME!
|
Now we're full - let's go sa pool! *TOINKS* |
Mga 3:00 PM nag-decide na kaming i-explore ang Acuatico. Napaka-relaxing na lugar! Ang cool ng inifinity pool effect nila. Sakto din naman na dahil Lunes 'non, wala masyadong tao sa Acuatico. Pero I am not surprised to see na naglipana pa rin ang mga KPOP sa paligid. Yup, koreans. Kahit saan yatang beach merong representative ang mga koreans. Laging present, eh. And they come in BULK! Well, that's a good thing kasi ibig sabihin they're loving our bitches, este, beaches. Heto ang mga pasimulang pictures namin sa pool.
|
Bizaare love triangle |
|
Floating habang buhay |
No comments:
Post a Comment