Friday, March 1, 2013

Hindi Na Tayo - Ronflakes


Pasimulan natin ang Marso ng isang composition. Matagal ko ng nasulat ang kantang 'to pero ngayon lang nagkaroon ng chance mai-record. Bale the guitar and drums were recorded (using an iPhone) live ng sabay. Tapos yung bass at patong na vocals (dahil may vocals ng kasama sa live recording) dito ko na lang sa bahay ni-record using my cellphone din. Talk about hi-tech recording di ba?

I won't go deeper sa kung paano na-mix ang kanta dahil wala naman talagang kwenta yung proseso at straight forward lang. Actually obvious na obvious na ngongo pa nga ako sa pagkanta dahil sinisipon ako when I recorded the vocals. Marami ding sablay at unnecessary noises pero 'yun 'yung "rawness" na di talaga maiiwasan kapag unprofessional 'yung recording/mixing. Pero I like the raw sound actually. Think of it as a demo na ni-record sa garahe, ganon. The live recording happened nga pala sa kwarto 'nung drummer (Peachy) na we will refer to as the "Semi-Studio". Ginamit lang namin 'yung iPhone n'ya and then GO! Malinaw din naman pala mag-record ang iPhone in fairness. We're planning to submit this sa "Ely Buendia sings Your Song" ek ek sa Facebook just for the heck of it. Baka ikaw may gawa ka din kanta submit mo na dito.

We're currently working on our next "single" (naks) titled Napagtripan ng Tadhana. Hopefully magkaroon na kami ng time to work on it. For the meantime, enjoy "Hindi Na Tayo".


9 comments:

  1. thanks lei! siguro malupet ka na mag-gitara ngayon no? hehe

    ReplyDelete
  2. Wow... cell phone recording? Galeng!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks :) tamang pinagsama-sama lang sa mixing lahat ala chopsuey

      Delete
  3. hands down. galeng! nakarelate ako masyado sa kantang to. lyrics-swak. talent-lupet. boses- i love it.

    ReplyDelete
  4. BENTA YUNG "ARE YOU HAVING FUN?"!!! HAHAHA!!!

    ReplyDelete