Habang sinusulat ko ang blog na ito ay tirik na tirik ang araw sa labas. Galit na galit na parang may atraso ako sa kanya. Literal na "mainit" ang ulo n'ya. Ilang araw na rin 'yang ganyang nagtatantrums kaya naman nakakatamad gumawa ng kahit ano.
Nakakatamad lumabas kasi nga masusunog ang mala-porselana kong kutis. Nakakatamad mag-recording kasi parang ilang minuto pa lang uhaw ka na. Nakakatamad magtrabaho kasi the sticky feeling is so irritating (with maarte voice). Kaya nga pati magsulat ng blog entry nakakatamad na din. Parang 'yung flow ng utak ko barado. Parang hotdog sa kalye at binalatang lumpia na masarsa habang nag jogging sa 23rd floor si Jinky Pacquiao para-- SYET! Nag over-heat na naman utak ko, exactly the reason why mahirap magsulat kapag uber init. Sarap tumira sa ref pag mga ganitong panahon talaga!
Kasabay ng heat wave na ito ay pagka heat stroke ng cellphone ko. Ayaw na nyang mag-charge kahit anong gawin ko. Kaya alayan natin s'ya ng isang minutong katahimikan.....
Okay. Tama na ang pagluluksa. Pag-isipan naman natin ang maswerteng cellphone na papalit sa kanyang nabakanteng pwesto. Hmm, actually, parang tempting ang Cherry Mobile. Maganda ang specs at sobrang mapapa-mura ka sa mura. Kaya lang ayoko ng dual sim. Saka syempre baka may "catch" ang pagiging mura n'ya. Baka mapa-mura din ako sa kunsimisyon. Pero kung sa bagay, kung temporary phone lang naman why not? Kung nabuhay nga ako dati sa makalumang Nokia 3300 di ba? Well, let's see...nahihirapan kasi ako mag-isip habang ultimo buga ng hangin sa electric fan mainit na din.
Sana umulan na. Pero talagang summer is here! Talagang pinaparamdam ng summer na 'yan ang presensya n'ya. In your face talaga. Okay, enough procrastination at susubukan ko ng gawin ang mga dapat gawin. Una sa listahan... LIGO.
No comments:
Post a Comment