Tuesday, March 5, 2013

Betamax Generation (A Tribute)

Sa generation natin ngayon ng hi-tech gaming consoles, gadgets, phones, at kung ano-ano pa, magbibigay pugay ngayon tayo sa mga lolo at lola ng mga makabagong teknolohiya na ito. Maraming mga kabataan ngayon ang di na sila makikita o magagamit, pero sa mga ka-age bracket ko (alam n'yo na kung sino kayo) malamang mapupuno kayo ng nostalgic memories habang naglalakbay tayo sa memory lane ng mga oldies technology.

Let's go old skul!


Cassettes - Bago pa ang MP3 at CD/DVD players, meron munang cassette tapes (o "BALA" sa tagalog). Classic ito dahil talagang para marining mo ang lahat ng laman n'ya, kailangan mong pakinggan ang side A at side B (oo, parang brief lang). I could imagine noon, talagang pinag-iisipan ang length ng bawat sides (since kailangan magopantay ang side A sa side B) kaya mas effort talaga sa finalization ng kanta. Pero salamat na rin 'dun, nauso ang "fillers" sa mga albums. 'Yung tipong akala mo tapos na 'yung album pro papakinggan mo pa kasi nakikita mo na makapal pa 'yung reel and then BOOM! May bonus track nga! Na-experience ko 'to sa Dookie album ng Greenday at Cutterpillow ng Eraserheads. 

Kahit yata dati uso na rin ang piracy kasi natutunan ko na rin noon pa mag-record ng cassette to cassette. Transfer content kumbaga. Solusyon ng mga estudyanteng walang pambili ng cassette albums. Paborito rin itong gamitin ng mga kamag-anak nating nasa Saudi para magpadala ng voice tape sa Pinas. 

Ang iba pang affected sa pagkawala ng cassette tapes ay ang (syempre) cassette players, walkmans, karaoke players, at Panda ballpens (alam mo na dapat kung bakit).


Betamax - Considered ka ng mayaman kapag may Betamax ka dati. Biruin mo instant movie inside the living room. WOW. Again, wala pa kasing DVD dati na sandamakmak ang lamang movies in one DVD so parang CD movies - one movie in one Betamax tape lang talaga ang capacity. Dito rin nauso ang video rentals sa Pinas. May membership fee pa talaga dati samantalang ngayon nilalangaw na ang mga establishments na 'to. Paano ba naman hinde, aarkila ka ng movie for the cost na kaya mo ng makabili ng same movie - anong sense di ba? Well, of course I'm talking about movies na naglipana sa kalye. 

Like cassette players, may tendency ding "mangain" ng bala (yup, BALA din sa tagalog ang Betamax tapes) ang Betamax. One of its downsides. Pero isa sa mga gusto ko naman sa Betamax is meron s'yang feature to record the TV. I remember recording all the episodes of the animated Peter Pan ('yung si Earl Ignacio pa 'yung nag-boses kay Peter Pan sa Channel 2). Disente naman 'yung quality. Eventually, like a pokemon, nag-evolve ang Betamax to VHS players. Mas mahahabang bala at mas mahahabang capacity. Pero di rin nagtagal - nabura na rin sa history ang VHS. 


Family Computer - Ahh, Family Computer. Such a sweet memory. Utang ko sa console na 'to kung bakit ako nahilig sa technology. I started wondering paano nangyare 'yung ganon at ganito sa gaming. Meron lang yata talaga akong natural fascination sa video games kaya it really got my interest. Anyway, simple lang ang Family Computer unlike mga makabagong gaming consoles ngayon. Straight forward lang. I-set mo sa channel 3 (minsan 11) ang TV mo, isaksak mo sa likod ng TV 'yung connector ng Family Computer, isaksak ang game cartridge (in tagalog, again, "BALA") and let the fun bagin! Kapag ayaw gumana ng game, ang dali lang i-troubleshoot. Hipan lang ang baba ng bala at konting tapik - AYUS.

Favorite games ko sa Family Computer usually were 2-player co-op games like Battle City, Ice Climber, Contra, Mario Bros., Double Dragon, at marami pang iba. Sa solo games naman nandyan ang Punch-out, Lode Runner, Legend of Kage, Megaman (Rockman sa Asia), and many more. Marami na ring pagkakaibigan ang nabuo at nawasak dahil sa mga games tulad ng Battle City at Contra. Heto ang scenarios:

Battle City:
  1. "Bwakaw mo sa star! Akin na dapat 'yan eh!"
  2. "Sabi ko sa'yo 'wag ka aalis sa base di ba?!"
  3. "Bakit mo ko binaril?!"
Contra:
  1. "Akin na lang 'yang "S"! Ganda na nga ng bala mo eh!"
  2. "Wag ka masyado mabilis, mamamatay ako pag naiwan ako sa baba!"
  3. "Wag ka naman kuha ng kuha ng buhay sa'kin!"

TV na de-roskas - 'Eto talaga ang old skul! Talagang wala kang choice kundi manood ng bilang sa daliring TV stations. 2, 4,7, 9, 13 - 'yan na 'yun. Ni wala pa ngang channel 5 d'yan. Bihira pa din ang colored na de-roskas 'nun so majority of the TV's eh black and white pa with matching close-open window. Sosi no? Uso pa noon 'yung antenang nakakabit mismo sa TV so 'san ka pa? Built-in antena! 

Naaalala ko 'nun na madalas ako pagalitan kasi mali daw ang pag-pihit ko sa pihitan 'nung TV. May rules and guidelines pa pala paano pihitin 'yun?! Biruin mo 'yun. Anyway, bawal daw pihitin ng mabilis ang pihitan ng TV. Ginawa ko kasing 'sing bilis ng remote sa pag-lipat ng station 'yung TV. From channel 2 to 13 in 1 second. Okay, so bawal pala 'yun - so nag shortcut ako. Pinihit ko 'yung pihitan in reverse para maigsi lang ang distance from channel 2 to 13. Anak ng tupa... BAWAL din daw 'yun. Mas maarte pa pala 'tong TV na 'to compared sa mga bagong TV ngayon. Ang daming bawal! Sa bagay, ganon naman talaga dati - conservative.


4 comments: