Monday, September 5, 2016

Ronscreens: Train to Busan

Ang zombie film na may puso
Okay, kung binabasa mo 'to ngayon dahil gusto mong makasiguradong sulit ang ibabayad mo sa sinehan kapag nanood ka ng Train to Busan - isang malaking OO. Sulit na sulit! Sa sobrang sulit huwag mo ng tapusin ang pagbabasa nitong post na 'to at tumakbo ka na sa pinakamalapit na sinehan d'yan and watch. Di aalis ang blog na 'to. Balikan mo na lang ako pag nakapanood mo na, okay? No hard feelings promise. Kaya go! Now na!

Grabe 'tong pelikula na 'to. It's mainly a horror suspense movie pero it will make you feel all the feels in the world. Takot, saya, galit, lungkot. kaba - lahat na! Ang ganda ng character development ng mga bida at kontrabida sa pelikula. Don't get me wrong, isa s'yang zombie movie per se PERO merong puso. You will totally root for the protagonists and feel the opposite para sa antagonists. It's been a while since I watched a total badass movie like this. Teka, bakit nagbabasa ka pa? Again, kung di mo pa napapanood ang film na 'to - NOOD NA!

Friday, July 29, 2016

Ronscreens: Stranger Things


Isa sa main contributors ng eyebags ko ay ang bagong TV series na ito - Stranger Things. Kakatapos lang ng season 1 nito at talaga namang lahat ay abangers sa second season. Bakit kamo? Well, there's no better way to explain it than to see it for yourself. And believe me, it deserves the hype it is getting.

Lahat ng nasabihan kong manood ng Stranger Things ay instantly naging fan ng series na 'to. Kung may networking lang ako, malamang ang dami ko nang downline. Paano ba naman kasi, it appeals to all - sa bata, teens, matanda, mahilig sa fiction, sa aliens, sa suspense, sa horror, comedy, geek stuff, love story, mystery, action, at higit sa lahat - friendship.

Sunday, July 3, 2016

Ronscreens: The Legend of Tarzan

Movie: 2 out of 5 - Abs: 6 out of 5
Well, that was a disappointing movie. Di ko alam kung masyado lang ako nag expect o talagang medyo lame lang 'yung pelikula. We watched the movie sa IMAX and still had a 'meh' experience. Why? That's what we'll tackle sa post na 'to.

Needless to say, this post will have mild spoilers. Pero pipilitin kong huwag maging detalyado for those who still want to give this movie a shot. Hopefully this will help you decide kung willing mo i-risk ang pera mo to watch this movie sa sinehan, moreover sa IMAX, or just save money and just by yourself Jolly meals. Let's go!

Sunday, June 12, 2016

Ronscreens: 1896: Ang Pagsilang

Happy Independence day!
In light of the ocassion, magbaliktanaw tayo sa isang album na nabuo para sa ika-100 taong selebrasyon ng ating kasarinlan - ang 1896: Ang Pagsilang!

Pinagsama-sama ang pinakamalulupit na banda ng dekada 90 para gumawa ng isang album for our centennial celebration of freedom. Nandyan ang Eraserheads, Rivermaya, The Youth, Francis Magalona, just to name a few. Kailan pa ulit mangyayari ang ganito? Literally impossible na since ang iba sa mga participants ng album na 'to are already gone (Francis Magalona, Gary Ignacio) o di kaya disbanded na (Color it Red, Agaw-Agimat). Para sa mga millennials, malamang di na nila kilala ang iba dito pero just the same, I can consider this album an important piece of Philippine history.

Friday, June 10, 2016

12 Unpopular TV Series You'd Probably Like

Loki vs House in The Night Manager
In relation to my previous post, 'eto na nga 'yung mga hidden gems na sinasabi ko. 'Yung mga TV series na di kasing sikat ng Game of Thrones or The Walking Dead pero de kalibre naman ang ganda ng story. Most of these TV series are serial pero may mangilan-ngilan din naman episodic so there's a fruitcake for everybody.

Ang iba sa mga hidden gems na 'to ay pwedeng narinig or nakita n'yo na somewhere pero may mga sinunod akong criteria sa pagpili ng mga TV series na 'to. Unang una, hindi dapat long-running. At most, dapat mga 2 seasons pa lang ang haba nito. Secondly, talagang under the radar 'yung TV series, meaning, kung magtatanong ka ng sampung tao - malamang 2-3 tao lang ang nakakaalam nito (plus may matching kamot ulo dahil di pa sila sure about it). And last criteria, of course, kailangan nagustuhan ko sila ng todo-todo! As in some of these TV series natapos ko talaga in one sitting.

Tuesday, June 7, 2016

Serial vs Episodic TV Series

Wala pa ring tatalo kay Maya at Sir Chief
Medyo late na 'ko nagsimulang ma-introduce sa TV series. Siguro dahil I am more of a movie/game/music guy kaya 'di ko naman na-realize what I was missing. Pero one fateful new year's eve, nagbago ang lahat sa buhay ko. Ano 'tong palabas na 'to na laging bitin ang ending? Bakit parang ang hirap n'yang tantanan!? 

I am talking about the TV series 24. Grabe. Cliffhanger ang bawat ending ng isang episode. From that moment on, nalaman ko na kung bakit ang daming nahahayok sa mga TV series. Kaya naman naging laman na ako ng Quiapo noon to look for TV series DVDs (yup, doon mo maririnig ang "dibidibidi"). At least I can finish a whole season without the bitin factor kasi lahat nasa DVD na. Dito ko nadiskobre ang Prison Break, Heroes, Battlestar Galactica, at kung ano-ano pang serial TV series. 

Saturday, April 2, 2016

Ronscreens: Batman v Superman: Dawn of Justice

Nang magkatampuhan sina Batman at Superman
Kung di mo pa napapanood ang pelikula, well, I'll help you make up your mind kung worth it ba s'ya panoorin sa sine o pwedeng abangan mo na lang ang malinaw na version n'ya sa torrent. Unang una, komut nandito sina Superman, Batman, at Wonder Woman, wala po dito si Carrot Man. Kaya kung 'yun ang ineexpect mong cameo, sorry for the disappointment.

Tuesday, March 29, 2016

Ronscreens: Hele sa Hiwagang Hapis

Sino ba namang di matatakam sa ganyang pamagat?
Pamagat pa lang talagang kikilitiin na ang imahinasyon mo, di ba? Hele sa Hiwaga ng Hapis (A Lullaby to the Sorrowful Mystery) is the latest movie from the unorthodox director Lav Diaz. It won the Silver Bear: Alfred Bauer Prize at the 2016 Berlinale bago pa man ito ipinalabas sa bansa na 'tin, which sadly, is becoming the trend nowadays. Mauuna munang ma-recognize ang isang pelikulang pinoy elsewhere bago pa mapansin ng mga pinoy.

Anyway, this is my first Lav film so I will review this film mula sa mata ng isang manonood na freshman sa Lav Diaz 101. I heard about the man's reputation sa pagiging experimental so let's see kung kaya ko bang sakyan ang Lav Bus *wink*.

Monday, October 20, 2014

Weezer Resurrection

whatever it is... <insert album title here>
Happy monday and hooray for Weezer!

Kailan lang naglabas ang Weezer ng new album na titled the title of this blog - Everything Will Be Alright in the End. Sakto ang title ng album nila to start the week 'di ba? So what's the album like? Well, isa lang masasabi ko pag pinakinggan mo s'ya - everything will be alright 'til the end. In short, pumasa lahat ng kanta ng album sa'kin from the first track 'til the last one.

Tuesday, October 14, 2014

The Walking Dead Resurrection

The Walking Dead circa 2014
So I watched the season 5 premiere of The Walking Dead kagabi. Honestly, I was kind of skeptic kasi nga medyo nawalan na ako ng gana sa show na 'to (here's why) pero this season starter could actually revive my interest ulit. Like a zombie, nabuhay muli ang The Walking  Dead fan within me.

This post could actually contain spoilers so kung di mo pa napapanood ang latest episode - nood na! You won't regret it.

Saturday, July 26, 2014

Ronscreens: She's Dating the Gangster

Finger lickin' good!
Kung sa title pa lang gets mo na kung tungkol saan ang post na ito, well, congrats. Isa ka malamang sa nakasaksi sa KathNiel blockbuster na She's Dating the Gangster. These past few days I got so many positive feedback about the movie na we decided to watch it. yeah, I watched a KathNiel film. The verdict? Well, who could have thought na it's actually a good movie. The positive buzz about the movie is no hype at all.

Pumasok ako ng sinehan ng walang mataas na expectation. Medyo hingal kasi I need to finish some work stuff bago ako lumarga sa SM kung saan sabik na sabik ng nakapila ang certified KathNiel fanatic kong asawa. Mabuti naman when I arrived trailers pa lang ang palabas. Ang haba daw ng pila! Puno din ang sinehan. Nire-ready ko na ang sarili ko sa tilian at kiligan ng mga taong nasa paligid ko. Baka di ko makaya ang pwersa ng pinag sama-sama nilang kilig at kiligin na din ako. Chos.

Thursday, April 17, 2014

Diary ng Panget (The Movie): Ampanget


Treat this as a public service entry - huwag n'yong sayangin ang pera n'yo sa pagnood ng pelikulang ito. Kung meron kayong perang pang nood ng sine, gamitin n'yo na lang ang perang 'yan sa pagbili ng siomai, burger meal, o kaya ilagay n'yo na lang sa alkansya n'yo. Tama, kahit wala kang alkansya - it's time to make one! You will surely thank me later.

Kung di mo pa napapanood ang film na ito - binabati kita. Pwede mong ma-enjoy ang lenten vacation ng walang gumugulo sa iyong isipan. Walang mga bangungot na eksena sa iyong pagtulog. Pero sa mga katulad naming napanood na ang pelikulang ito, it's too late. Ang magagawa ko na lang ay babalaan ang mga taong pwede pang mabiktima ng Diary ng Panget the movie. Sa bagay, kinokonsidera ko na lang na penitensya ang pagkakapanood ko sa film na ito. That's looking at the bright side.

Thursday, April 10, 2014

Bang Bang Alley: Brilliant Dark Stories


If you are planning to watch a movie, go watch Bang Bang Alley. Sa panahong madalang pa sa patak ng ulan ang mga lumalabas na de kalidad na pinoy films, isa sa mga hidden gems and pelikulang ito. It's a beautifully crafted movie. Alam mo agad na pinag isipan ang mga istorya at hindi basta basta ginawa para sayangin ang pera ng isang expecting movie goer.

Maarte ako sa pelikula. Lalo na siguro pagdating sa pinoy films. Nakakadala kasi! Minsan kahit mga direktor na alam kong de kalidad gumawa ng pelikula napapansin ko minsan kinakain na rin ng kumunoy ng sistema. Nawawala 'yung art, eh. Puro na lang pagkabig ng kita ang laging priority. Going back to Bang Bang Alley, alam n'yo bang maituturing na mga baguhan sa larangan ng pinilakang tabing ang mga direktor ng pelikulang ito? It's not that wala silang experience (dahil di naman halata), it's just that this is like their debut sa main stream film production. At huwag ka, their film exceeded my expectations ng sobra sobra!

Sunday, January 26, 2014

The Movies of 2013 (The Disappointments)

The following movies are not all bad. Actually, 'yung iba nga may potential naman and could even pass as a good movie (alcohol required). It's just that, for me, medyo mataas yata ang expectations ko on some movies on this list that I really got disappointed when I finally saw them ng buo. Well, of course some of these movies are sleep inducing and some I just got upset dahil sa plot holes. Meron ding over-hyped pero pag napanood mo na isa lang masasabi mo: 'Yun na 'yun?

Again, this list is based on my opinion and of course will never be universally accepted. But yeah, you can just take this post as a reminder bago mo gugulin ang ilang oras ng buhay mo to watch some films in the future. So here it is, the top 10 disappointing films of 2013.

Friday, January 24, 2014

The Movies of 2013 (Surprisingly Good)

On with the second set of movies - the surprisingly-good-movies category! In this list, makikita ang movies na pinanood ko ng wala masyadong expectation pero bigla nila akong sinampal ng ganda at creativity. Sarap 'nung feeling na 'yun eh - 'yung tipong hesitant ka mag aksaya ng almost 2 hours ng araw mo sa isang pelikulanga akala mo basura o mediocre pero 'yun pala (sabi nga ni Rhianna) they shine like a diamond, hehe.

Again, in this list, mga napanood ko lang na foreign movies ang nilista ko - based on my taste alone. So here they are, the surprisingly good movies of 2013!

The Movies of 2013 (The Best)

This post is dedicated para sa mga couch potato at movie fanatic tulad ko. Well, 2013 has been kind enough para bigyan tayo ng magagandang pelikula mapa-sikat man o hinde, mapa indie man o mainstream. Pero tulad ng inaasahan, may mga sablay ding mga movies ang 2013 which will also be listed here. Take note, puro foreign movies lang ang imemention ko dito at yung mga movies lang na napanood ko talaga. So kung sa tingin n'yo I missed mentioning a movie - most likely, di ko pa s'ya nada-download napapanood. Besides, madalang pa sa pagsagot ng matino ni Napoles ang dami ng pelikulang pinoy ang napanood ko last year.

Hahatiin natin sa tatlo ang categories. First category will be my top 10 BEST movies of 2013. 'Yung tipong ayoko ng matapos 'yung pelikula sa ganda. O kaya naman after 'nung movie napamura ako sa lupet. The second category will be my top 10 most-surprisingly-good movies. 'Yung di ako gaano nag-eexpect pero WOW! Ang ganda pala n'ya! Lastly, of course, the kubeta category. 6 movies na talaga namang nadisappoint ako. Enough said. Again, ang basis ko ng paglista ay ang sarili kong taste. So in short, kung ano sweet sa'kin maaaring salty sa'yo. So be it - di ko na kasalanang magkaiba tayo ng taste buds, okay?

Sunday, November 24, 2013

Just Caught Fire

Every revolution begins with a spark
Catching Fire. Mahusay! Though na-bore ako sa unang Hunger Games, dito sa pangalawa (na 2 and a half hours ang haba) I really liked it. Pumasok ako sa sinehan ng may di kataasang expectation pero lumabas ng may ngiti sa mga labi. Well, I read a couple of reviews and they were right to say na enjoyable nga 'yung film.

Parang sa SM South yata dalawang cinemas lang ang hindi Catching Fire ang palabas. 'Dun pa lang alam mo ng in demand ang film na 'to. It's not all hype at all. Unlike Thor part 2, na I was a bit disappointed, Catching Fire is deserving na bwakawin ang mga cinemas ng SM. So why made it good?

Saturday, August 17, 2013

Maja's Home Cafe Review

May "Use your instincts" pang nalalaman eh no?
Salamat sa group buying expertise ni misis at nakarating kami kahapon sa isang mumunting kainan sa may bandang BF Homes, Paranaque. Isa s'yang simple at cozy na "home cafe" na talaga namang may tinatagong sarap-de-gulat.

Maja's Home Cafe. 'Yan 'yung pangalan 'nung place. At first, I was a bit skeptic kasi parang nasa isip ko, ano pa ba ang posibleng maging bago sa experience na 'to? Pero to my surprise, I was surprised! Teka, gulo yata ng statement ko na 'yun. ANYWAY, my point is - it's been a while since I have tasted food na ganitong may "something" different - in a VERY good way.

Friday, August 9, 2013

The F*ck Did I Just Play?

So I was browsing for some games to play online. 'Yung mga tipong inspiring at kakaiba naman to get inspiration and actually learn something from it. Gusto ko 'yung parang feeling na nakapanood ako ng isang malupit na indie short film. Maigsi. Swak. Kakaiba. Lakas ng tama!

I need this immersion sa ganitong mga klase ng games since I am actually interested in broadening my konwledge sa game designing. I have always created small scale games so why not explore more sa field na 'to? Anyway, working at home gave me this luxury of researching more about game designing. So mabalik tayo sa game hunting ko online. Yes, I found games na talaga namang kakaiba. Weird pero may kakaibang darkness. These are just uber short games na kayang kayang matapos within 5 minutes. Believe me, you won't regret experiencing these games. Here they are:

Wednesday, July 10, 2013

Four Movies and a Review

It's been a while since I reviewed movies na napanood ko sa torrent sa sinehan. So might as well compile all the movies na napanood ko sa big screen recently and review them all in one post. Use this to decide kung dapat n'yo ba panoorin ang movie sa sine (kung showing pa) o i-download na lang abangan na lang na ipalabas sa TV (in tagalog version BABY!!!).

These films are in order sa kung kelan ko napanood ang mga movies na 'to with my wife. I will also insert my wife's review sa mga movies na 'to judging by her reaction sa sinehan. Let's go!