Sorry Kurt Cobain. |
Then some of my friends actually wanted to see it. Sa umpisa natawa pa 'ko kasi akala ko joke, 'yun pala talagang nagyayaya sila manood. Wow, we're talking about grown up adults here - can't believe genuine pala ang kagustuhan nilang manood ng She's Dating the Gangster. Could it be medyo bias lang ako? Na-trauma sa mga ganitong klaseng pelikula like Diary ng Panget? Naapektuhan ba ng mga baduy na pinoy teleserye ang judgement ko sa movie na ito? Well, after the reviews na nariririnig ko sa paligid, She's Dating the Gangster could actually be a decent movie after all. Biruin mo 'yun?
Believe me, kung sa labi ko na mismo nanggaling ang ganyan komento - isa itong rarity. The movie casts Daniel Padilla (wearing a lousy wig with super smooth arm pits) sa isang gasgas na plot na obvious namang target viewers are teens na uhaw sa Kathniel romance - and yet, I give it the benefit of the doubt? Rarity.
Pero why not? Overwhelming na kasi ang magagandang reviews towards this movie. Noong una friends ko lang na Kathniel fans and nagsasabing maganda daw ang film so di ako masyado convinced dahil baka clouded lang ang mga utak nila ng Daniel Padilla hypnotism. Pero huwag ka, eventually websites such as Rappler started to praise the movie. Now it got my attention. Even some of Facebook posts na galing sa mga taong di maka-Daniel Padilla says na okay naman daw 'yung film. Wow. What sorcery is this?
NBI renewal? NFA rice distribution? She's Dating the Gangster! |
Anyway, this movie better be good or ELSE.
No comments:
Post a Comment