Finger lickin' good! |
Pumasok ako ng sinehan ng walang mataas na expectation. Medyo hingal kasi I need to finish some work stuff bago ako lumarga sa SM kung saan sabik na sabik ng nakapila ang certified KathNiel fanatic kong asawa. Mabuti naman when I arrived trailers pa lang ang palabas. Ang haba daw ng pila! Puno din ang sinehan. Nire-ready ko na ang sarili ko sa tilian at kiligan ng mga taong nasa paligid ko. Baka di ko makaya ang pwersa ng pinag sama-sama nilang kilig at kiligin na din ako. Chos.
At di nga ako nagkamali. Halos tuwing nasa screen si Daniel at may sasabihing sweet ay halos maihi sa kilig ang mga movie goers. Ang awkward kasi may naririnig din akong lalakeng boses na napapatili sa sobrang kilig. Iba ka talaga Daniel, IBA ka! Pero in fairness maganda din naman si Kathryn sa pelikula. Di lang looks n'ya nag-improve, pati acting n'ya mahusay. Nakakatawa s'ya kapag nagpapatawa at effective din naman kapag dramahan na. Okay din naman si Daniel umarte. Konting practice pa. Lalo na kapag may iyakan scene. Pero overall - ayos naman. It's obvious he knows how to "tickle" yung audience. Walang palya sa kilig factor!
The movie started pretty steady and surprisingly, the plot is kept getting better! Di s'ya 'yung inakala kong gasgas story na napapanood natin sa mga teleserya. Well, it still has the masungit na lalake - komedyanteng babae formula but it has a lot more in it. Minsan lang medyo sumosobra na sa pagka-bad boy 'yung character ni Daniel at nakakagulat na despite that - he's tolerated by Kathryn. Iba talaga gwapo, he he. Pero ganun yata talaga ang appeal 'nung bidang lalake eh, rough outside pero sweet naman inside. Kaya ayun, kulang na lang magpatiwakal ang mga babae sa sinehan tuwing ang bad boy na si Daniel ay gagawa ng kahit anong pampakilig. Kahit pa one liner lang 'yan - NAKO, akala ko may magpupukol na ng panty sa movie screen, eh.
I must admit, may mga time na kinilig, este, nagandahan ako sa ibang eksena. May mga eksena kasing may kurot sa puso,eh pero di corny 'yung treatment. Pati kung paano ang relationship ng bawat characters sa story, talagang you'll feel for them. Until now di ako makapaniwalang I am actually describing a KathNiel movie. Pero ganun, eh. Maganda 'yung film so maganda 'yung reception. It even impressed me more kasi nga di naman ganun kataas ang ineexpect ko sa pelikulang 'to. This film somehow made me forget na wala ng mangyayari sa Philippine mainstream movies - well, as far as pa-tweetums genre is concerned. This movie at least didn't settle sa tamang puros kilig moments lang pero wala namang kwentang story. Sumakto pa 'yung soundtrack ng movie na si Angeline Quinto bumanat (shit, ano nang nangyayare sa'kin?!).
Will I recommend it na panoorin ng iba? Why not? It's a decent film na umeffort naman pagdating sa plot at overall production ng movie. I can say in full confidence na kahit isang beses kikiligin ka sa movie na 'to. There, I said it, ha ha. But you know what? Ang paborito kong eksena sa movie na na-touch ako is not even a Daniel - Kathryn scene. Well, watch it baka mamaya maging pareho pa tayo ng eksena.
In the end, di mo mapapansing may dalawang oras din ang She's Dating the Gangster. At kung ang isang movie ay ganun katagal at di mo nahalata - well, that only means na na-enjoy mo 'yung palabas. Isa pang sign eh kapag 'yung asawa at kaibigan mo namumugto ang mata pag labas ng sinehan. Again, iba ka Daniel - iba ka! lastly, minus the shameless advertisement sa KFC at Kapamilya Prepaid Sim - the movie is finger lickin' good!
"I can't breathe..."
No comments:
Post a Comment