Friday, December 6, 2013

Revisiting Meteor Garden

Eto ang orig na Metor Garden
Kahit saan ka lumingon ngayon walang kaduda-duda na Korean invasion is here! Mapa pormahan, tv shows, o kahit sa mga tourist spots natin imposibleng walang bahid ng Koreans. Kahit nga yata di naiintindihan ang kanta, basta K-POP, ayos na 'yan! Speaking of singing without knowing the actual meaning of the songs - guilty din naman ako d'yan, pero hindi dahil sa K-POP kundi dahil sa isang Taiwanese teleserye sensation - Meteor Garden!

Nang ipalabas ang Meteor Garden parang nagsimulang mag meteor shower ng kung ano anong telenobela na mga singkit ang bida. It definitely opened the floodgates for the Korean tv series that we have today. Honestly, nabaduyan ako 'nung una sa Meteor Garden. Sabi ko - hype lang ang F4 pati na din si Shan Cai. Never kasi ako nanonood ng ganyang palabas. Pero what catched my attention was the songs involved in that show. 'Yung Broken Vow saka 'yung opening at closing theme song - di ko maiitatangging catchy talaga. Sa intro pa lang ng Meteor Garden na sigaw ni Shan Cai na "Dao Ming Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii..." - alam na kung ano na'ng palabas!

Sa F4 naman, ang top 3 kong favorite songs na wala akong idea kung ano pinagsasabi nila are Seasons of Fireworks, Here We Are, saka Meteor Rain. Kinakanta ko pa sa videoke dati yan kahit mali mali diction at lyrics ko - ganda ng tono, eh! Sandamakmak na DVD compilations din ang nagkalat 'nun sa Divisoria, mapa Taiwanese o Tagalog version - patok na patok talaga. Di ko nakumpleto mga episodes ng Meteor garden, I mean, bakit pa? Sa dami ng nagkukuwento sa akin ng plot parang nanood na rin ako ng Meteor Garden marathon. Parang sa kanila ko una nakita 'yung formula ng masungit at mayabang na bidang lalake na ipapares sa isang clumsy at makulet na bidang babae. Ilang Korean films at teleserye na ba'ng ganyan ang ginamit na formula?

Halos lahat ng merchandise na pwedeng isalpak mukha ng F4 makikita mo na kung saan saan dati. Mapa porma at hairstyle ginaya na din ng pinoy. Eh lalo naman nagsihimatayan 'yung mga pinay 'nung dumalaw dito ang F4 sa pinas. Grabe. Nayanig ang mundo sa pinagsanib na tili ay hiyaw ng mga babae sa Pilipinas - well, partly gays na din. At ngayong 2013, ano na nga ba'ng bago sa cast ng Meteor Garden?

May baby, baby.. may baby, baby - may baby na si Shan Cai
Well, si Barbie Hsu (Shan Cai) is actually preggy na daw. Malungkot lang ang ibang Meteor garden fans kasi hindi naman si Daoming Si ang ama - hehe.


2 comments:

  1. hahahhaha! this post made my day. dahil kdrama addict ako at feel na feel ko din bumirit ng mga kdrama soundtracks na di ko din alam ang lyrics. nwei, congrats to san chai! hehe. nakakamiss basahin tong blog na to. i wish yun blog ko sa kabilang planeta eh buhay pa haha

    ReplyDelete
  2. Pei ni xu kan liu xing yu... Hahaha!

    ReplyDelete