Tuesday, December 17, 2013

5 Tips About Caroling


It's that time of the year again! Naglipana na naman ang mga batang mag-iingay, este, mangangaroling sa tapat ng mga bahay natin. Are you ready?

Remember, ang pag-handle sa mga nangangaroling takes patience and art! Minsan kapag di ka sanay makipag-deal sa kanila, pwede ka nilang maisahan. Christmas is all about giving pero it's also about knowing how to give :) And since 'tis the season to be jolly, here are the 5 things you should know about our beloved carol-ers.

1. Sanayin mo na ang tenga mo sa mga "classic" caroling intros na:
  • "Tuwing sasapit ang pasko namimili ang mommy ko..."
  • "Sa may bahay ang aming bati, merry christmas MAWAWALHATI..."
  • "Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya..."
  • "Ang pasko ay sumapit tayo ay mangagsi-awit..."
  • At lately nauuso na rin ang xmas theme ng ABS-CBN na "Star ng Pasko" ba yun?
2. Kung dati may effort pa ang mga bata na mag improvise ng instruments like tambol na lata or piniping tansan, ngayon maswerte ka na kung may dalang kutsara as percussions ang mga kids. Madalas "acapella" na lang ang labanan ngayon (in fairness minsan may palakpak beat naman).

3. Dapat malinaw ang memorya mo sa mga pagmumukha ng mga nangangaroling sa bahay n'yo dahil uso din ang "shuffle mode" sa caroling. 'Eto 'yung after 10 minutes ay babalikan ka ng the same group of kids na nabigyan mo na pero iibahin lang ang kanta ant ang lead singer nila. Shafol kang bata ka!

4. Kapag may nangaroling sa bahay n'yo NEVER kang magbibigay agad kung gusto mo pang marinig ang ending ng kanta nila. Once na makapg-abot ka na sa mga bata, siguradong heto na  lang maririnig mo: Tenkyu, tenkyu - ang babait ninyo TENK-YU!

5. Kung tunatangka mo namang dedmahin ang mga nangangaroling, well, kailangan mo ng sing-tibay ng batong dibdib at paninindigan para huwag makulitan. Most of the time kasi, kapag natapos na ang kanta ng caroling at wala pa ding humaharap sa kanila, uulanin ka nila ng "NAMAMASKO POOO" barrage! Di ka nila tatantanan hanggat may nakikita silang sinyales ng buhay sa loob ng bahay mo. 

With that, nawa'y mas maging wais na tayo sa paghandle ng mga annoying endearing carol-ers. Tandaan, ang pasko ay tungkol sa pagbibigayan so buksan natin ang atig mga puso at kahit paano'y paunlakan ang mga carol-ers na kakatok sa pintuan ng ating puso (at bahay o gate, whatever). Kahit maliit na mahalaga lang ay siguradong patok na 'yan - pero wag lang "patatawarin" dahil alam mo na ibabanat nila sa'yo di ba? TENKYU TENKYU, ANG BABARAT NINYO TENKYU! (sabay takbo).


No comments:

Post a Comment