Yes, patay na nga daw si James Brian Hellwig, popularly known as the Ultimate Warrior. Kung majority ng mga bata noon kampi kay Hulk Hogan noong Wrestlemania 6, ako naman kampi kay Ultimate Warrior. Kaya naman 'nung medyo nawala na s'ya sa eksena ng wrestling, nawalan na din akong gana manood. Pero bakit nga ba biglang naglaho si Ultimate Warrior sa wrestling scene eh ang sikat sikat n'ya 'nun? Well, nabalitaan ko na lang na patay na daw s'ya - pero that time, of course it's a (funny) lie.
Namatay daw si Ultimate Warrior 'nung sinubukan n'yang buhatin si Andre the Giant. Pumutok daw 'yung mga ugat n'ya kasi mahigpit daw masyado 'yung mga tali n'ya sa braso. Meron kasing burloloy si Ultimate Warrior sa mga braso n'yang mga tali. Biruin mong 'yun pa daw ang kinamatay n'ya, hehe. Kumalat ang urban legend na 'yan kaya elibs din ako sa nagpauso ng kwento na 'yan. Wala pang Facebook 'nun partida pero naging viral ang story n'ya.
Anyway, this time since it's coming from a reliable source, I guess hindi na ito isang hoax report. Kasama nina Macho Man, Owen Hart, Andre the Giant, at ng iba pang namatay na wrestlers - I bid goodbye to one of my childhood wrestling heroes, the Ultimate Warrior. Funny thing is, kung sino pa'ng matanda - s'ya pa'ng tumatagal, di ba Hulk Hogan?
Parang tanga lang gumawa ang noo'y WWF na documentary na ang title ay "The Self Destruction Of The Ultimate Warrior" na ang nilalaman ay puro panlalait sa kanya mula sa nakakapagod nyang entrance, kakaibang interviews, at mga short matches ... ngayon 2014 may ilalabas ulit na DVD ang WWE ang title ay "Ultimate Warrior: The Ultimate Collection" narealize siguro ng WWE na di maapektuhan ang mga fans ni Warrior ng una nilang documentary about sa kasiraan ni Warrior kaya ngayon nagrelease ulit sila ng bago. Buti na lang ginawa syang Hall of Famer bago sya namatay ng WWE. - Rage Ammo
ReplyDelete