Minsan talaga bibigwasan ka ng tadhana. Di maiiwasan 'yun. Kahit marunong ka pa mag-counter attack sigurado masasapol at masasapol ka ng kutos ng kamalasan. Kahit anong ingat mo, meron talagang lubak na specially designed para lang sa'yo. Madadapa ka. Sesemplang. Lalagapak sa putikan ng kabiguan. So after all that, ano na? Well, the rest is up to you.
Actually, marami kang options. Pwede kang gumulong gulong sa putikan. In other words, bumabad sa putikan at tuluyan ng ma-stock sa sitwasyon. Pwede din namang tumayo ka agad at konting pagpag lang - deretso ulit sa lakad ng buhay. Ang dami kasi sa atin ang aga magwagayway ng white flag. Suko agad. Hopeless case agad ang tingin sa problema. Lalo na sa pag-ibig. Ma-broken hearted lang - tatandang dalaga agad? Di ba pwedeng magiging single muna? Hirap kasi sa'tin minsan trip na trip nating magpakalugmok. Feeling natin may camera na kumukuha sa'tin ala MTV. Top view para mas feel na feel 'yung drama. Tapos sabay papasukan ng nakakaiyak na background music. BOOM! Star drama presents. Please lang, kung gusto mo'ng maka move-on - pull yourself together and stop the drama.
'Yung iba pag na-depress talagang itotodo ang self-destruction. Mawawalan ng gana lumabas. Di na mag-aayos ng sarili. Lalamon ng lalamon. Magbababad manood ng One More Chance. Mawawala na lang bigla sa sirkulasyon ng mundo. In short - HERMIT mode. Magpapaka ermitanyo sa loob ng kwarto. Well, asahan mo din na kung ganyan ang style mo, pati mukha mo magiging ermitanyo talaga. Parang tanga lang di ba? Sa ginagawa mong pag-bartolina sa sarili mo lalo mo lang pinapababa ang market value mo. Tataba ka, malulukot mukha mo at higit sa lahat nagbebelow zero degrees ang self-esteem mo. Totally not good kung gusto mong maka move-on at totally a great move kung gusto mo magpagulong-gulong pa sa putikan ng kabiguan. Don't you think you've suffered enough? Kailangan mo pa talagang kawawain sarili mo after ng pagkawawa sa'yo? Kawawa ka naman na talaga kung ganon.
Siguro nga walang perfect way to move on kundi actually pick yourself up and actually move on. Parang pilosopo lang pero wala naman talagang ibang way. Kahit sunugin mo lahat ng pictures n'ya, kahit burahin mo lahat ng texts at numbers nya, kahit i-block mo s'ya sa facebook, meron ka pa ding hindi mabubura. ALAALA. Unless ibagok mo ulo mo tapos magka amnesia ka. Malas mo lang kung di ka matuluyan. Broken hearted ka na, broken headed ka pa. Pero syempre I would always suggest to just cut all connections between you and the ex. But that's just half the solution. Baka nga 1/4 lang eh. Ang mahalaga is what you will do after mo bumagsak sa lupa. Gasgas man pakinggan pero habang may buhay may pag-asa talaga. Come to think of it, moving on is a decision. Parang after mo iyakan ng ilang gabi ang kasawian gigising ka isang umaga ng may bagong pag-asa. Isang resolve na nagsasabing "Tapos na ang drama!".
We all had our share of failures. At ang nakakatuwang part is after ilang weeks na nalagpasan mo na ang isang trial - parang nakakatawa na lang isipin na minsan kang nalugmok sa problema na 'yun. Tama, hahagalpak ka ng tawa after a few weeks. Magbubukas ka ng facebook at pagnakita mo si ex masasabi mo sa sarili mo - "Anak ng... nagkagusto ako dito?!" - BOOM!

dinaig pa si Bob Ong. saludo ako
ReplyDeleteSalamat! pero wala akong papautang sayo ha, hehe
ReplyDelete