Napanood n'yo na ba 'yung movie na Pitch Perfect? 'Yung acapella movie ni Anna Kendrick? Kung hindi pa, pinapayuhan ko kayo na tantanan na lang ang pelikulang 'yan dahil baka matulad kayo sa asawa ko. Tuluyan ng nabaliw sa OST ng movie na 'yan at dumudugo na tenga ko sa paulit-ulit na loop ng bawat tracks sa OST ng Pitch Perfect.
Nagsimula ang epidemya ni Judy noong pinapanood sa kanya ng ninong namin ang Pitch Perfect. I was there. Well, the songs are kinda catchy. Modern songs (and some old) na ginawan ng mash-ups and sung in acapella. Magaling. Pero not to the point na uulit-ulitin ko. Pero si wifey iba ang naging reaction. Last year pa namin unang napanood 'to pero up to this very moment (while I'm typing this sentence) Pitch Perfect songs pa rin ang naririnig ko sa baba habang nagliligpit s'ya ng gamit. Still better than Pusong Bato, in fairness.
First stage ng Pitch Perfect Fever (PPF) n'ya is when she immediately asked me to copy the movie from our ninong's hard drive to my laptop. Ayun, 32,234 times na yata n'yang napapanood ang highlights ng movie from my laptop. Of course I'm exaggerating - mga 16,324 views lang talaga more or less. Syempre kasama na dyan ang pagbirit n'ya ng Pitch Perfect songs out of nowhere with matching gestures pa. Habang kumakain, habang naglalakad sa mall, bago matulog, kapag nasa kotse, at kahit na habang nagsisipilyo - bigla na lang babanat ng kanta. Kaumay!
Second stage ng PPF. Heto na, nilagay na n'ya sa cellphone n'ya ang OST ng Pitch Perfect pati 'yung favorite clips n'ya sa movie pina-edit n'ya sa'kin at sinama na rin sa movie gallery n'ya. Nung di pa nakuntento - buong movie na mismo pinalagay n'ya. Ayan, ritwal na n'yang manood sa cellphone habang nasa byahe o kapag idle sa work. In fairness, magaganda naman talaga 'yung songs. Pero as I've said - di naman to the point na magiging soundtrack na ng pang araw-araw na buhay ko. Kaumay! (part 2)
Third stage ng PPF. Biglang naging well-informed si Judy sa Pitch Perfect. Ang dami n'yang sinasabing trivia sa akin bigla about the movie. Aba, malaman laman ko bawat cast pala ng Pitch Perfect ni-research pala n'ya sa Wikipedia. Naging henyo bigla sa Pitch Perfect! Recently, 'nung nagkaroon na ng CD player 'yung stereo sa kotse, guess what kung ano una n'yang pina-burn sa'kin. You guessed it. Pitch Perfect OST. Nag -attempt pa 'ko haluan ng ibang kanta 'yung CD na acapella din naman (at modern din) pero wa-epek. Kapag tapos na ang tracks ng Pitch Perfect OST ipapabalik n'ya sa unang track 'yung player so it's Pitch Perfect party na naman once again. Saya lang ng byahe. Nakaka-tempt mag-commute na lang.
After a couple of weeks, good news! Medyo humuhupa na ang PPF ni misis dahil nalapatan ko na ng paunang lunas (matimtimang dasal). Pero ang problema naman ngayon may bago na s'yang obsession. Candy Crush Saga at Battle Cats na android games. Well, that's another story...
Heto ang trailer ng Pitch Perfect. Enjoy (but not too much).
No comments:
Post a Comment