"Pwede na bang mag-exhale?" |
Last Friday nag-decide kami ni misis na medyo bumalik sa daang matuwid patungo sa kalusugan. Jogging. Yup, jogging sa umaga. Napakagandang idea, di ba? Bonding na with wife and friends tapos very beneficial pa sa katawan 'yung jogging. Plus, you get to see nature habang tumatakbo sa park. Dahil nga confined lang naman ako sa bahay almost all the time - I was excited to run and explore the outside world!
So dumating na ang time ng pag-prepare. Ganda ng get up ni Judy dahil swak 'yung new shirt n'ya plus 'yung bago n'yang running shoes na talagang designed daw sa running style n'ya. Bagong damit, bagong sapatos - papatalbog ba naman ako? Binuksan ko ang aparador and it's my turn to shine! Ayun, awa ng Diyos 15 minutes na yata ako naghahalungkat ng masusuot for jogging wala akong makitang swak sa pagtakbo. Everytime na magpapalit ako ng damit at haharap sa salamin mukha lang may bibilhin sa tindahan 'yung datingan ko. Bakit ganon? 'Yung mga dating sinusuot ko for jogging bakit parang di na yata bagay sa'kin? At ako ay sinampal ng isang masakit na realization - parang may bumulong sa tenga ko ang sabi "Ang taba mo na kasi, boy..."
Nakakabwiset din pala no? 'Yung di mo na masuot 'yung iba mong paboritong damit kasi masyadong 'fit' na para sa'yo. Tama naman 'yung sukat sa braso, leeg, and all pero pagdating sa tyan - BOOM! Parang tomador lang. Sana kung umiinom ako regularly eh hindi naman. Madalas din mangyari sa'kin na bibili ako ng damit at dahil masyado akong assuming, di ko na susukatin. Tatanyahin ko na lang 'yung size using my medida eyes. Kaya pag-uwi sa bahay 'dun ko lang malalamang mukha akong bouncer kapag sinuot 'yung binili ko sa pagka-fit. Ayun, instant pamana agad sa kapatid ko 'yung damit. Syet.
Minsan naman nakakalusot pa din 'yung iba kong damit. Kaya ko pa rin isuot pero kailangan ng breathing technique. In short, medyo control lang sa paghinga, hehe. Bawal itodo ang exhale dahil bubulwak ang tyan! So tamang shallow breathing lang dapat. Di naman all the time ganon, kapag syempre nakaupo ka na - relax na. Pero kapag oras na para tumayo at meron pang picture-picture - alam na. Ngayon nagegets ko na kung bakit 'yung iba ayaw nasa harapan kapag group picture, gusto pala nila sa likod para gawing human shield ang mga tao sa harapan nila. Human shield pantakip sa mga bilbil. Now I know.
Kaya ngayon when we buy shirts and pants di ko na din mapagkatiwalaan ang mga estimates ko. 'Yung etimates ko kasi parang 2 years ago pa yata ng body size ko - di na nag upgrade. Buti na lang mahusay ang wardrobe consultant ko at s'ya na ang namimili ng sizes na kasya sa'kin. Sino pa? E di si misis din. Haay, tummy problems - kailan ko kaya maibabalik 'yung six pack na abs ko? Sa bagay mahirap naman ibalik ang isang bagay na kahit kelan di ka naman nagkaron, hehe.
No comments:
Post a Comment