Lagi nating naririnig ang term na "opposites attract" kapag may magkarelasyon na magkasalungat ang trip sa buhay pero nagkakasundo. Pero totoo nga ba ang opposites attract na yan? Di kaya naging mas madali lang na explanation ito sa isang bagay na mahirap maipaliwanag? Parang "time is gold" na universally accepted na kaya walang nagooppose? Well, in my opinion and experience, ito ay isang malaking kalokohan! Opposites never attract. Sa magnet lang applicable ang statement na ito at ang tao tulad mo at tulad ko ay hindi magnet.. TAO.. tao tayo!
Hindi naman sa nagpapaka "bitter ocampo" ako dahil I know a relationship can work kahit na magkaiba kayo ng hilig ng kapartner mo. Pero siguro hindi kasi attraction ang tamang term.. di yun ang natural tendency ng isang tao sa isang taong may opposite na personality nya di ba? Halimbawa, di mo trip kumain ng kumain pero yung gf mo parang libangan na ang mag eat all you can. Or trip mo hip-hop tapos yung gf mo ayaw naman sa Salbakuta at Fliptop. Ikaw baduy na baduy sa mga pelikulang tagalog at teleseryeng pinoy pero gf mo updated sa Two Wives (tagalog dubbed), Princess and I, at kung ano ano pang Pinoy TV series (isama mo na din ang Maynila at Daisy Siyete na naka season 100 na yata bago matapos - AMEN!).
Yung mga samples ko more on trips and preferences pa lang yan, paano kung personality na ang nagka-clash? Humble kang tao, maaattract ka ba sa hambog? Matipid ka, nilalakad mo mula bahay hanggang opisina - maattract ka ba sa ang bag eh dapat Louis Vuitton lagi kahit minimum lang ang sahod? In short, I doubt attraction happens in contradiction. Kahit sa opposites na pares, I'm sure meron pa rin silang common grounds at yun ang ginawan nila ng foundation for attraction. Wala naman sigurong absolute opposites di ba? Maaaring magkaiba kayo sa majority pero siguradong may pagkakapareho din kayo kaya kayo magka holding hands ngayon at nagi-i love you-han sa isa't isa. Siguro nga yun ang isang wonderful thing about love - it doesn't find fault. Maghahanap at maghahanap ito ng maganda sa isang tao. Kaya kahit sobrang badtrip ka na you still manage to forgive.. kahit ayaw mong manood ng Ngayon at Kailanman sasamahan mo na rin si misis kasi alam mong yun ang magpapasaya sa kanya.. kahit corny sya natatawa ka na rin kasi alam mo gusto ka lang nyang patawanin.
In other words, I think opposites don't attract. I just don't think that's the right analogy. I believe opposites simply find ways to work things out. Compromise. I am attracted to you di dahil opposite tayo sa sandamakmak na bagay, I am attracted to you dahil we still manage to find love in this haystack of differences. Yun naman ang mas okay sa opposites. I think mas strong relationships nila in the sense na from the start alam nilang meron silang differences at adjustments. No big deal ang away at discussions dahil at the end of the day - they always choose to compromise. Mas nakakamangha nga kung paanong ang dalawang magkaibang pwersa ay nakukuhang mag co-exist in harmony di ba? Not to mention marami silang natututunan sa isa't isa dahil nga sa magkakaiba nilang trip. Yun nga siguro yung magic nun kapag dumating na sa point na nagkakapalitan na kayo ng interes and eventually actually enjoying each other's interests.
On that note, iiwanan ko po kayo ng isang makabagbag damdaming tugtugin mula kay Selena Gomez (na jowa yata ni Justin Bieber). Isang classic example ng isang bagay na ayokong ayoko noon pero nagustuhan ko na rin eventually dahil sa gf ko. Bakit ba? Catchy naman yung tono ah! (Yeah, I need help). Here's Love you Like a Love Song.

No comments:
Post a Comment