Friday, November 30, 2012

Misteryo ng Universe #1: USB Ports


Alam ko lahat makakarelate sa misteryo na ito. Madalas pag nagsaksak tayo ng kahit anong USB device sa ating USB port PALAGI na lang mintis ang first two tries. 

Kapag minalas malas ka pa more than 3x na parang di mo pa rin masaktuhan ang hayup na USB port. So talagang mag eeffort ka pang titigan mabuti ang dulo ng USB cord o device mo para masigurado lang ang tamang side ng pag-entrada, Di ko alam kung di lang ako masyado nagpe-pay attention sa pagsaksak pero bihirang bihira ako maka one time big time sa pagsaksak ng tama. Ito ang isang classic example ng kasabihang mapagbiro ang tadhana.

Mukhang di pa ganon ka-advance ang science para maipaliwanag ang misteryong ito. So for now mananatili muna ito sa ating Misteryo ng Universe Files... files... files... files... files... files...


No comments:

Post a Comment