Sunday, November 11, 2012

Get Well Soon Lefty

Tawagin nyo na 'kong masukista ng paa dahil sa kabila ng pag rereklamo ng mga paa ko kahapon lang sa Divisoria - nag walkathon na naman ako mala Dora the explorer from Tondo to NAIA to Cainta and back! Halos sa byahe at lakad ko nagugol ang araw na ito. At dahil dito, mukhang tinotoo na ng kaliwang paa ko (na tawagin na lang nating Lefty) ang pag oorementado. Talagang masakit na sya ngayon tuwing nilalakad ko at ito ay hindi katanggap tanggap na asal ng isang subordinate! Bawal magkasakit!

Pero kanina paguwi ko napagisip-isip ko na walang mangyayare kung makikipagmatigasan ako kay Lefty dahil ako rin ang magiging kawawa. Besides, mukhang naabuso ko nga sila ng partner nyang si Righty. Mahirap naman lumakad ng kanang paa lang ang gamit. Kandirit na tawag dun. So mamaya gagawa ako ng isang liham para kay Lefty - isang liham ng paghingi ng tawad. Yung plaque of appreciation to follow na lang.

I will post the letter later ipapahinga ko lang muna ang aking mga bayaning paa. Saludo ako sa inyo at hayaan nyo, papatikimin ko kayo ng spa one of these days. 


No comments:

Post a Comment