Wednesday, November 7, 2012

Field Trip sa Gallery

Welcome sa Ronski Artsy Fartsy Gallery
Dahil lahat ng creations ko dito nakadispli (bisaya ng display)
Mapa tula o kanta, short films at iba pa
Dito sa aking mini gallery ninyo makikita

Libre lang ang entrance kaya sulit na sulit
Pero may sampal ka sa mukha pag ikaw ay nanlait
Pagpasensyahan nyo na sana ang kakornihan ko
Libre na nga lang di ba? Sana makuntento

Sana'y nagenjoy kayo sa inyong pagbisita
Wag lang magtulakan palabas at baka madisgrasya
At tulad nga ng nabasa ko sa isang department store
Nice to see, nice to hold but if you break it, consider it sold

Salamat sa pagbisita hanggang sa muling pagdating
At sana ang sining ating mahalin
Mahal nya ako, mahal ko rin sya
Kaya kaming dalawa laging magkasama

Bow.


No comments:

Post a Comment