Wednesday, November 7, 2012

Let's Go Retron!

As this section's name implies, para sa mga di mabilis ang pick-up, Retron is a tribute sa ating mga retro days. Mula sa Uncle Bob's Lucky 7 Club hanggang sa retro games na Battle City at Contra, iisa isahin natin ang mga yan sa ating paglalakbay sa memory lane ng naka roller blades habang kumakain ng Pompoms at naglalaro ng brick game.

Naaalala nyo pa ba ang Inhumanoids? Eh yung Visionaries? Ako nga kabisado ko pa yung sinasabi nila kapag nagpapalabas sila ng kung ano ano sa totem nila. Siguro mas makakarelate ang mga girls sa mga programang TGIS at Tabing Ilog. Yung walang kamatayang love story nina Kaye Abad at totoy na totoy pang si John Lloyd noon. Pati theme song nun di na maalis sa utak ko... "sa ilog, ang mundo'y tahimik..." (NOOOOOO!!!)

Dito siguro mabubuking kung gaano ako ka geek at nerd at heart kaya swabe 'tong section na'to lalo na sa mga generation ng 80's at 90's. Sa totoo lang maraming bagay sa past na wala pa ring kupas hanggang ngayon so I firmly believe that they all deserve a tribute, I thank you <applause>.


No comments:

Post a Comment