Wednesday, November 7, 2012

Ronscreens 101

Sa section na 'to I am planning to screen some stuff na nagamit, napanood, napakinggan, natikman (wink) at kung ano ano pang naencounter ko sa outside world na pwede kong ireview para sa inyo.

Sana maging useful ang section na ito para mailigtas kayo sa mga pelikulang pagkamahal mahal kung panonoorin sa sine yun pala naaaaapakawalang kwenta! Sa mga pagkaing sobra ang hype at mahal pero masarap pa yung goto with laman dun sa tabi ng eskwelahan sa'min. Sa mga gadgets na nuknukan ng mahal pero sa totoo lang di mo naman talaga kailangan... at isa pa, wala ka rin namang pambili. Samples lang yan ng maaaring maging pakinabang nitong Ronscreens section sa pang araw araw nyong pamumuhay. Nawa'y dumating ang panahon na bago pa kayo manood ng sine o kaya'y dumayo sa Catbalogan para matikman lang ang di umano'y nakakabaliw sa sarap nilang *excotic food - ay sumilip muna kayo sa section na ito para mabigyan ko kayo ng liwanag, okay?

*wala po akong idea kung may nakakabaliw nga ba talagang exotic food sa Catbalogan pero who knows? Kung meron man let me know at nang ma-review, hehe.


No comments:

Post a Comment