Mag-ingat sa galawang hokage. |
"Kailangan ko ng space. Hananapin ko muna ang sarili ko..."
Classic 'no? Sa umpisa parang nakakaawa naman 'yung tao kasi nalilito, confused, parang hirap na hirap ang isipan at kalooban. Tsk, wawa. So bibigyan mo s'ya ng space na kilalang kilala din sa pangalang COOL-OFF. In tagalog - palamig. Wala munang pansinan habang "hinahanap" n'ya ang sarili n'ya. Ayun, awa ng Diyos nahanap na nga - nakahanap nga ng bagong babae.
Paulit-ulit na ang ganitong eksena. Paulit-ulit na rin ang ganyang mga linya. Gasgas na pero SUPER effective pa din. Ilan na bang kaibigan mo ang kulang na lang iumpog mo sa pader para matauhan pero wala epek pa din? Pero ano nga ba ang signs na may something fishy ng nagaganap sa isang relasyon? Actually, kung di lang tayo bias, wala naman talagang hindi obvious. Mas madalas sa hinde, obvious naman ang style ng mga kumag na yan. Bigyan ko kayo ng samples. Well, di ito 100% surebol pero sa apat na taon kong pag-aaral sa Inglatera sa kurso ng Psychology (major in Skeptikology) chances are - pwede na din 'tong mga signs ko.
1. May factory ng reasons. Hindi nawawalan ng dahilan kung bakit di makakapunta o makakasama sa'yo. Kesyo may gagawin sa bahay, maglilinis ng banyo, sasamahan ang lola sa palengke, mag-aararo - walang katapusan ang mga rason!
2. Paasa. Malupit mangako pero pag dumating na ang takdang araw ng lakad refer to reason number 1 - may factory na ng reasons! Saklap kasi papaasahin ka pa muna bago ka paliguan ng mga dahilan. At ganyan ang routine. Promise - Asa - Reason (repeat).
3. Walang pake sa friends/relatives mo. Yung tipong walang effort makilala ang circle of friends mo or family. Basta ang gusto nya kayo lang dalawa lagi. Bakit nga naman s'ya mag-iinvest pa ng effort at panahon sa mga 'yon kung wala naman s'ya balak magtagal sa relasyon? Mahirap nang may makakilala sa kanya matapos ang lahat. Number one rule ng kriminal is huwag mag-iiwan ng ibidensya. BOOM!
4. Parang single sa Facebook. 3 months na kayong magjowa pero ang kasama pa rin n'ya sa profile pic n'ya eh yung aso n'ya. Ang status n'ya ay hindi in a relationship. Kung maging ganun man, nakalagay in a relationship with Bantay. Ang dami n'yang albums - 74! Pero ang picture mo'ng nandun 6. 'Yung tatlo dun nakapikit ka pa. Lahat ng tag mo sa kanya dedma lang s'ya. Para ka lang stalker na patay na patay sa BF mo. Kung sino sino kalandian n'ya sa wall n'ya. Pag tinanong mo kung sino sila - galit pa s'ya. Pag tinanong mo kung pwede makita Facebook n'ya, refer to reason number 1 ulit.
5. Walang Facebook. Okay, 2013 na. Kahit mga tambay may access na sa intenet through Piso-net kaya please lang pagsinabi n'yang wala s'yang Facebook medyo magtaka ka naman. Unless nakatira s'ya sa isla na walang kuryente at malayo sa sibilisasyon. Naniniwala naman ako na yung iba talaga walang hilig sa social networking, like yung ex nung kakilala ko. Okay, fine walang hilig kaya yung Facebook account nung BF n'ya walang kalaman-laman. Inaagiw. Pero nalaman namin may iba pa lang FB account ang loko at ang pangalan? CRISPY PAPA. 'Nuff said.
6. May shifting ang paramdam. 'Eto madalas gawin ng mga may asawa na pero pumoporma pa din sa chikas. Iba na ang panahon ngayon, trip na trip na din ng mga babae ang mature type. Yung mukha ng family man. Tawagin na lang natin itong Sir Chief effect. Anyway, kapag di nagpaparamdam sa'yo ang BF mo during mga 6PM onwards, at ganun everyday (except weekends kasi totally di s'ya magpaparamdam), magtaka ka na! Malamang kasi kasama ang pamilya kaya di makaporma.
7. Daming cellphones, daming sim. Unless kumakandidatong presidente BF mo at kailangan ng constant communication from all sorts of network - magduda ka na. Yung iba valid naman, pero tingnan mong mabuti baka may cellphone at sim card pa s'ya na hindi naka-declare. Maging matanglawin!
8. Walang paalam. Yung tipong nakapunta na s'ya sa pinuntahan n'ya then doon pa lang magpapaalam. Galeng e no? Itatanong mo pa ba kung saan s'ya nagpunta? Irrelevant. Pwedeng sabihin n'yang pumunta s'ya ng Neptune - may magagawa ka pa?
9. Walang gana. Parang may kasama ka na wala. Kung ano sinaya n'yo noong ligawan days pa lang (kung dumaan kayo dun) ganun naman ka-dull ang tandem n'yo ngayon. Parang kating-kati na s'yang makauwi or he'd rather be somewhere else. Sa text ganun din. Pabugso-bugso lang. Ang haba haba na ng tinext mo at isang oras bago s'ya magreply ng "K".
10. Cool-off. Isang malaking kalokohan ang cool-off, Bakit kamo? Dahil pag pumayag ka dyan, kayo ay good as singles na ulit. Meaning, kung may ka-fling s'ya na gusto n'yang atupagin, wala ka ng pake dun kasi nga good as wala na kayo. At since fling lang yun, anytime pwede ka n'ya balikan. Besides, "cool-off" is temporary lang daw di ba? Kung gusto n'ya ng space sa kung ano mang reason, kesyo hahanapin ang sarili, hahanapin ang pusa o ano pa gusto n'ya hanapin - hanapin n'ya yun ng kayo pa din. Give him space pero kayo pa din. Ang hirap kasi ginagawang "time first" ang cool-off kapag gusto makipaglaro sa iba nung lalake. Then pag nagsawa na, babalik na sa GF. Kaya nga ang linya nila lagi sa pakikipag cool-off ay (sabay sabay):
Sana mahintay mo pa rin ako kapag okay na ako. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita....
How convenient, di ba? Eh yung tangang babae na-touch pa daw, tsk. Well, sampu lang yang signs ko pero marami pa yan. Inaabot lang ako ng bwiset kasi kapag ito ang topic. Pasensya na pero ang dami kasing nagpapabiktimang babae ngayon. At alam n'yo ba ang pinaka naiirita ako sa lahat? 'Eto. 'Yung niloloko na ng harapan pero ang hahanapan pa ng mali (kung bakit di nagwo-work out yung relasyon) eh yung sarili nila. Sila daw yata ang may fault! Anak ng tinapay na may palamang Reno. BAKA DAW SILA ANG MAY DIPERENSYA. Sampung face palm! Naisip pa nila yun e no? Na kaya sila niloloko dahil baka masyado sila matampuhin, needy, o kung ano ano pang shit na nag-manifest lang naman dahil nga sa pinapakitang kakaiba ng BF nila.
Hay nako, girls naman, don't settle for less! You deserve the best love na pwede n'yo makuha. Huwag mainip. Alam ko gasgas na pero patience is a virtue. Medyo nakakainip talaga lalo na magbabalentayms pero kesa naman mag-aksaya ka pa ng oras at damdamin sa isang taong di ka naman seseryosohin, ireserve mo na lang lahat yan para may Mr. Right. Malay mo nasa tabi-tabi na lang pala s'ya at papasok sa story mo kapag hiniwalayan mo na yang hinayupak na BF mo di ba?
WAAH AKO MASAY...GALING MO BRO...MORE SIGNS BKA SAKALI MAGISING UNG MGA TULOG PA!!!
ReplyDeletehahaha thanks ;) sana nga matauhan na ang iba
Deletewow galing namn!!fan mu na din aq!:)
ReplyDeletewow galing nmn..fan mu na din aq:)
ReplyDeletesalamat, ako po'y nanggigising lamang :)
ReplyDeleteWow ang galing nman:)
ReplyDeletehello ronski... may i use this po as a material to my radio show? i will give you credit po. share lang sa mga listeners. Ang ganda kasi.. very realistoc. Thank you. - Red
ReplyDeleteAnong radio show sir? Station and when ieere?
Deletehello ronski... may i use this po as a material to my radio show? i will give you credit po. share lang sa mga listeners. Ang ganda kasi.. very realistoc. Thank you. - Red
ReplyDeleteshit namen kelan p darating ang mr. right. e mag dekada na kami ng on off bf ko, nagkaron n rin aq ng iba pa mga bf. pero bakit wl pa rin yun tunay... tatanda n lng at madededo n hindi man lang nakapiling si forever dahil wl nman tlg.
ReplyDelete