Monday, April 8, 2013

Top 5 Things I Hate About Be Careful With My Heart


Don't get me wrong, di ako hater ng show na ito sa channel 2. Aside from the fact na isa ito sa mga sinusubaybayan ng misis ko sa TV, 'eto na yata ang show na walang evident na kontrabida kaya parang feel-good teleserye lang s'ya. Puro emotional tension lang ang meron kaya di ka gaano manggigil sa mga conflicts ng Be Careful With My Heart. Kaya advisable s'yang panoorin matapos mong mabwiset ng todo kay Margaux sa Ina, Kapatid, Anak. Pang pa good mood ba matapos ma-bad trip.

Pero Be Careful With My Heart in my opinion has its share of bullshit din. Just like any other shows, meron din s'yang mapapa-kunot-noo moment ka na lang. So here are my top 5 things I hate about this teleserye.

1. Sir Chief's Oscar award winning acting skills: Of course this is sarcastic. Ang daming mababadtrip na fans ni Sir Chief (Richard Yap) sa reason na 'to. Pero c'mon, can the guy even act out other emotions bukod sa pagsusungit o kaya pagiging strikto? No wonder natutunaw ang mga tao kapag nagpakita s'ya ng sweetness kasi it is so rare na makitaan s'ya ng ibang emotion. I am still waiting to see if may drama scene ba s'yang darating or any challenging na eksena. Pero until that day comes, he is just a heart throb na may monotone voice and acting skills para sa akin. Buti pa si Ryzza (ng Eat Bulaga) nakita ko na mag-drama at may luha pa!

2. Aiza Seguerra and Tom Rodriguez's love team: Para sa mga di nakakaalam, ang role ni Aiza sa Be Careful with my Heart is a lesbian na may anak courtesy of Tom Rodriguez. Of course the unthinkable happened while Aiza was drunk. Pero I'm not sure if it's just me pero mas namamachohan pa ako kay Aiza kapag nakikita ko ang mga astig n'yang tattoos. In the story, parang gustong gusto pa rin s'ya ni Tom despite the situation. Now I have nothing against the third sex pero sa datingan ni Tom and how things turned out, parang na-aawkwardan lang ako sa love team nila at taste ni Tom sa babae. Yes, it's enjoyable to watch but my head can't help but shake and question the boundaries of this show - reality wise.

3. Ang napaka-swerteng kapalaran ni Maya: Speaking of questioning the boundaries of reality, isa pa sa mga kinakahanga ko sa teleseryeng ito is ang sobrang bwenas na kapalaran ni Maya (Jodi Sta. Maria). Paano ba namang hindi swerte, nakipagsapalaran sa Manila, nakahanap ng boss na mayamang masungit, nakasundo lahat ng tao sa bahay, pinag-aral s'ya, nakapasa bilang stewardess, 'nung umalis na ng bahay nakatira sa magandang condo care of isang kaibigan, at mahigit sa lahat may tatlong nagkakandarapa sa kanya (Paul Jake Castillo, Luis Manzano, at syempre pa ang pusong batong Sir Chief!). Tulad nga ng nasabi ko, kung may conflict man sa buhay ni Maya, madalas eh kung paano ihahandle ang mga pa-swabe moves ni Sir Chief. Laki ng problema!

4. Nuknukan ng arteng anak ni Sir Chief na si Nikki: Played by Janella Salvador, hats off ako sa portrayal n'ya ng isang konyong bata. Sobrang effective n'ya na everytime naririnig ko s'yang magsalita on screen I can't help but murmur "ANG ARTE TALAGA!!!" - yup, bulong 'yan. Siguro ang dapat sisihin eh 'yung writer? Ewan! Basta ang alam ko nakakawasak ng kaisipan ng mga kabataan ang pagsasalita ng babaeng ito. Kapag dumating ang araw na ganito na lahat magsalita ang mga bata kawawa naman ang daigdig. Favorite expression ko from her is "You're so G-R-R-R-R!" *face palm*

5. The ever dragging kiligan moments of Sir Chief and Maya: Walang duda na huwag lang magdikit ang siko ng dalawang ito, tumatambling na sa kilig ang buong Pilipinas. Sa isip ko, so bakit di na lang sila maging sila para matapos na ang walang humpay na emotional tension between them? Napaka obvious namang may gusto si Maya kay Sir Chief and vice versa so why drag the kiligan moments? Yeah, I know it creates rating pero sana  naman lagyan pa nila ng iba pang elements yung love story di ba? Eh wala namang dilemma, walang conflicts, talagang ang tanging problema lang is di pa nila deretsahin ang isa't isa. Personally, minsan gusto ko na lang hawakan ang mga ulo nila at ipag-kiss. Tapos ang istorya. Pero as of now, puro mind games, puro plot stretch, puro pahaging. Pati tuloy ako nabibitin! Oops. 



7 comments:

  1. kaya naman sa FB. lagi na lang comment "kilig much si sir chief at maya!" isip ko, ano nagkiss na ba sila? o nagtitigan lang... haha!

    ReplyDelete
  2. kapag mapadaan ako sa isang shooting netong palabas nato tatanungin ko lahat ng staff and crew. "proud ba kayo sa ginagawa nyo?"

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka dian kahit ako ttnungn k s kanila hndi p b kau mttpos s wlang kwenta niong palabas... Hahaah

      Delete
  3. LoL palbhasa mga gma pinapanood nyo.....palbhsa sobrang co-corny sa gma pamagat pa lang ng teleserye corny na

    ReplyDelete
  4. Tangina palabas na ito napakakorni..!!! Tgal n tgal ng palabas hndi p rin matpos... Panay kaartehan lang nman acting... Lahat sa show kabwisit lalo n ung babae... Grrrrr pang nalaman ang arteng bata...

    ReplyDelete