Monday, April 22, 2013

The Janine Tugonon Tragedy

I've been itching to comment about the Janine Tugonon issue noong isang araw pa, at ngayong may chance na ako, I was hoping medyo magiging mas malamig na ulo ko. NOPE. Ganon pa din ang bwiset ko sa ginawa n'ya sa kawawa n'yang ex-boyfriend (Jaypee).

Napanood n'yo na ba ang controversial interview nina Kris at Sweet kina Janine at Jaypee? Well, here's the video para mas maintindihan n'yo ang aking analysis sa mga naganap.

 

Okay, let's start with Kris. Makatarungan ba o dapat hatulan ng walang humpay na sampal ang mukha n'ya dahil sa panggagatong? Palagay ko nga gustong gusto na s'ya ingudngod ni Jaypee sa niluluto nilang tinola. NAPKA-INSENSITIVE. Para bang nakalimutan n'ya na nasa isang set lang sila ni Jaypee. Buti pa nga si Sweet medyo pumepreno at bmabalanse 'nung medyo nakalahatang awkward na ang datingan ng kwentuhan. Pero 'etong si Kris putak pa rin ng putak ng OMG at parang demonyong nag-eencourage pa kay Janine na magkwento pa para mamatay na sa sama ng loob si Jaypee. Before she realized na sumosobra na bunganga n'ya - it was too late! Damage done at makakaluto na si Jaypee ng dinuguan sa dami ng sugat sa puso n'ya (naks!).

About naman kay Jaypee. Alam ko ex na s'ya at wala ng right technically kay Janine. Pero bilang tao na lang di ba? Sana naman  naisip nila na may damdamin din 'yung tao. Habang nagkikiligan sina Kris at Janine sa lalakeng cause ng break-up ('yung vocalist ng The Script), 'eto namang si Jaypee parang gusto na lang maiyak. Sana nga nag walk out na lang s'ya kesa naman ma-torture pa s'ya sa sitwasyon. Pero he is professional at ayaw gumawa ng eksena, he opted to stay and take on the punishment. Ganun n'ya kamahal si Janine. Hindi s'ya nag-attitude sa harap ng camera instead nilunok na lang lahat ng pride n'ya and just decided to go along with it. Obvious na obvious sa mukha ni Jaypee ang awkwardness. Unang una, di naman sanay sa showbiz 'yung tao, pangalawa, lalong hindi s'ya sanay pinapakelaman on cam ang love n'ya and lastly, lalong hindi sanay 'yung tao na makawawa sa national TV.

Lastly, para naman sa'yo Janine. Sayang, idol pa naman kita. I mean, ikaw 'yung tipong simple lang pero astig. May composure at ang galing sumagot sa Miss Universe Q and A. Pero bakit ganon? Sa napanood ko parang hindi yata smart answers ang narinig ko sa'yo? Parang showbiz got into you na nahirapan ka ng umiwas sa mga tanong na pwede mo na lang sanang sinagot ng maayos at ng walang masasaktan. Para kasing gusto mong i-flaunt na natipuhan ka ni Mr. The Scrpt guy. Oo naman it's something to flaunt about pero NOT IN FRONT OF YOUR EX di ba? Alam ko na naaawkwardan na rin si Janine sa interview pero she was pushed to the wall and just got reckless then ultimately lost it. Nakalimutan na n'yang nandun ex n'ya. Nakalimutan na nga n'yang nagluluto s'ya ng tinola, eh. Inaakbayan pa nga n'ya si Jaypee dahil alam kong alam n'ya na nasasaktan na 'yung tao. Pero mas maganda yatang itikom na lang n'ya bibig n'ya kesa iakbay ang kamay n'ya di ba? Kahit sampung kamay pa iakbay n'ya kay Jaypee kung wala namang humpay ang bibig n'ya sa pagkukuwento habang kinikilig pa sa bago n'yang potential love life - what's the use?

I have nothing against Janine's future love life pero mali lang talaga 'yung diskarte n'ya sa pag-broadcast nito. Maling mali ang pag Janine Tugonon n'ya kay Jaypee. Opo, isa ng verb ang pangalang Janine Tugonon at sana hindi mangyare sa inyo 'yun! Bago tayo matapos, isa munang mensahe mula kay Edu Manzano para kay Kris "Nuknukan ng Arte" Aquino.



1 comment:

  1. ang grace and beauty sa stage at ang pagsagot sa Q&A napprepare yan eh. naccompose mo sarili mo. pero pag on the spot totohanan na, dyan lalabas ang tunay na essence ng babae.. dyan mo makikita ang grace at personality ng isang tunay na respetadong babaeng may pinagaralan. CONSISTENT DAPAT! so that means, si Janine nun pageant, that's one side of her-the " miss universe" side of her. pero not necessarily her true self. AMEN!

    ReplyDelete