Saturday, April 27, 2013

Dear Nancy Binay


Dear Nancy Binay,

Di na ko magpapaligoy ligoy pa at isa lang ang tanong ko sa'yo. Bakit ayaw mong makipag debate 'teh? I mean, binigyan kita ng benefit of the DAW 'nung una. Kesyo ayaw mo DAW mamolitika, kesyo mas gusto mo DAW pagtuunan ang mas may saysay na bagay, kesyo mamaliitin ka lang DAW komut anak ka ni Binay at kung ano ano pang DAW. Maaaring madalas ka ma-bully noon sa Facebook dahil kulang na kulang DAW ang credentials mo para tumakbo pero ano ba alam nila?

Para walang bias, sabi nga nila don't judge a book by its cover. Eh paano kung ang cover ng libro ay "It's Fun To Learn Calculus!" - maniniwala ka ba?

Hinintay ko ang chance na maipagtanggol mo ang sarili mo. 'Yung tipong matatameme lahat ng critics mo sa mga salitang lalabas sa bibig mo. 'Yung "slow clap" moment na isa isang magii-standing ovation ang mga tao sa debate kasama na mga kalaban mo. Di ba ang saya 'non? Pero ANYARE? Walang kahit anong salita ang  lumabas sa bibig mo. As if nilunok mo na lang lahat ng bashing nila sa social media. Anong ginawa mo? NGANGA?

Sana nga matuloy ang one on one n'yo ni Honteveros. It'll be a thrill for sure. I symphatize with you sa mga lumalabas na parodies against you pero don't you think you could have saved yourself from these kung natuto ka lang magsalita? Well, may time pa naman. Matatalino ang mga botante. Pero they need SOMETHING para makumbinse mo sila. Ikaw ang kandidato at nasa sa iyo ang burden of truth. Ganyan talaga sa candidacy, may debates, hindi naman pwede sabayang bigkas 'yan 'teh. There'll be a time na you are alone sa stage, sa harap ng kalaban at ng taong bayan, at makikipag-debate. You have to prove your wits at lalo ka na, ang dami mo kailangan patunayan.

Nakakaduda lang talaga na parang may phobia ka lang sa public hotseat. Kulang na lang idahilan mong masakit ngipin mo o kaya may singaw ka kaya di pwedeng mapwersa ang bibig sa pagsasalita. Well, can't blame you after what happened to Mrs. Villar, hehe.

Nagdududa,
Ronski


2 comments:

  1. ako'y opisyal ng naturalisadong amerikano pero pusong pinoy pa din, at nung mabasa ko ang mga parody tungkol kay Nancy. Gusto ko ulit bumalik sa pagiging Pinoy, umuwi ng Pinas at magrally para lang himukin siya sa isang debate. So ano gagawin nya pag nanalo siya? NGANGA nga? o "daddy, daddy save me from these people, you're the vice president naman eh". *throws up*

    ReplyDelete
    Replies
    1. EXACTLY! Pero kung ano pinapakita n'ya ngayon will definitely affect her chances of winning... sana.

      Delete