Friday, May 3, 2013

Bawal ang Gwapo Dito


Noong una akala ko joke lang 'yun pala totoo talaga!

Sino mag-aakalang may downside din pala ang pagiging gwaping? Recently may napabalitang napa-deport from Saudi dahil sa "threatening" na kagwapuhan. Wow.

Si Omar Borkan Al Gala ay isang artista, photographer, at poet na taga UAE. S'ya ang biktima ng "allegedly" pwersahang pagpapauwi dahil sa sobrang kagandahang lalake. Nangyare ang insidente sa Saudi Arabia at sino ang mag-aakalang ganon pala ang mga kalalakihan 'dun - ayaw masapawan! Really sounds ridiculous pero it really happened! Naiimagine ko na lang kung sa akin mangyare 'yun (yeah, right) di ko alam kung mabubuwiset ako o mafa-flatter, hehe. This incident will make good -looking guys think twice bago magpunta ng Saudi, baka masayang lang pamasahe. Unless, reimbursed, hehe.

Napagkwentuhan nga namin 'to ng kabanda ko noong isang araw. Paano pa kaya kapag kami ang pumuntang Saudi? Di kaya ipaglatag pa nila kami ng red carpet at sasalubungin  ng live band? With matching confetti at parade? Sabay sabing "Do you have more friends with that kind of face? Your kind is very much welcome here - welcome to Saudi Arabia!" - insulting pero we'd definitely appreciate the warm hospitality, hehe.


No comments:

Post a Comment