In celebration sa ika-100 entry ko dito ronflakes gusto kong sumulat ng isang kakaibang entry. Isang fiction! Isang fictitious story na pagsasama-samahin ang pinakamalulupit na panagalan sa iba't ibang industriya. Ito lang ang kwentong hindi pwedeng ikahon sa iisang genre lang dahil meron s'yang action, suspense, drama, comedy at bold love story.
At dahil fiction lang ito, LAHAT ng mga characters dito (kahit gamit ang real names nila) ay pawang bunga lamang ng aking malikot at makulit na imahinasyon. Parang spoiled brat na epileptic sa kakulitan at kalikutan. Any materials used are credited sa kung sino man ang may-ari. SO, di na ako magpapatumpik-tumpik pa at simulan na natin ang unang kabanata ng ating malupit na nobela na pinamagatang: Ate, Ate... Anyare?
CHAPTER 1: Prologuing the Agony
Madilim ang paligid. May tumawag sa pangalan ko.
"Ronskiiiii.... Ronskiiiiii...."
Ang tinig na 'yon. Pamilyar. Parang narinig ko na from somewhere. YUN! Para s'yang kaboses nung mga kumakanta sa BeeGess. Malamyos at nakatodong aircon sa lamig ang tinig. Hmm, o parang VST and Company? Patuloy pa rin ang pagtawag ng tinig sa dilim. Wala akong makitang kahit ano. Panaginip ba 'to?
"Wag kang bibitiw bigla... 'wag kang bibitiw bigla...ah, ah, ah....."
This time parang BeeGees na Yael ng Spongecola ang boses na naririnig ko. Weird. Lumingon lingon ako pero wala talaga akong makita! Syet, di yata 'to panaginip - BANGUNGOT! Someone wake me up! (in konyo dream voice)
At sa isang iglap, dumilat ang aking mga mata sa isang pamilyar na lugar. Nakatulog pala ako sa bus. Stuck ang bus sa gitna ng traffic sa EDSA. Dami kong pawis! Ilang beses ko na rin kasi napapaniginipan 'yung eksenang 'yon at habang tumatagal, lalong parang nagiging mas totoo. Pero teka, nasa airconditoned bus ako pero bakit ako pinapawisan pa din?
"Init no?" sabi ng katabi ko.
Sumagot naman ako ng "oo nga eh". Nilingon ko 'yung katabi ko at nagulantang sa nakita. Si superstar Nora Aunor! Nanlaki ang mata ko at nag-hang ang utak.
"O, okay ka lang, boy?" tanong ni Nora.
"Nora... ikaw si Nora Aunor!" 'yun na lang nasabi ko.
"Ha ha ha! Antok ka pa yata, boy." napailing-iling lang si Nora.
Pero siguradong sigurado ako na si Nora Aunor s'ya! Nunal na nunal pa lang wala ng duda. Pati gestures ng kamay at balikat n'ya sa pagsasalita Nora Aunor na Nora Aunor. Pero come to think of it, ano naman nga ang ginagawa ng isang superstar sa isang pampublikong bus? Baka naman panaginip pa rin 'to, di kaya? At biglang lumapit sa amin ang kundoktor. Tingnan ko kung mamumukhaan n'ya si Nora. Sigurado matutulala din sa pagka-star struck 'etong konduktor. Pero again, ako ang natulala.
"Saan kayo, sir?" Hayup. Si Robin Padilla 'yung konduktor. Ngumunguya ng chewing gum at cool na cool sa kanyang bus uniform. Never naman ako suminghot ng rugby sa buong buhay ko pero bakit ako naghahallucinate ng ganito?
"SIR! SAAN PO KAYO?" Medyo tumaas na boses ni Robin para mag snap-out na'ko sa pagka-shock.
"Nako kanina pa ganyan 'yang batang 'yan. Parang wala sa sarili." Gatong pa ni Nora na medyo natatawa pa. Okay. This is definitely a dream. Obvious na obvious. Natawa na lang din ako sa sarili ko. So I decided to stand up para bumaba ng bus. Baka pag umalis ako ng bus na'to babalik na talaga ako sa realidad. Pero hinarangan ako ni Robin.
"Kaibigan, di ka pa nagbabayad kaya di ka pa pwedeng bumaba."
Nakangiti lang ako dahil alam ko namang imposibleng totoo ang mga eksenang 'to di ba? So nagmatapang ako. Hinawi ko lang si Robin at dire-diretso ako sa exit ng bus. Sarap ng sa feeling! Parang ang angas lang! Robin Padilla hinawi ko lang ng ganon ganon. Only in dreams, baby!
'Nung aktong bababa na ako, ayaw buksan ng driver 'yung pintuan. Hanep. Now I must deal with the bus driver. Di ako masusupresa kung isa na namang celebrity ang driver so I'm ready for it. So nilingon ko kung sinong epal 'tong bus driver.
Si Miriam Defensor Santiago lang naman.
I'm doomed.
(to be continued...)
No comments:
Post a Comment