Tuesday, May 7, 2013

Putik at Pulitika

Isang bala
Dalawang bala
Tatlong bala

Isa na namang kandidato
Ang tumumba sa kalsada

Lantaran
Walang kubli
Para sa pwesto
Manatili

Ninais lang ng pagbabago
Naglakas loob kumandidato
Pagdating ng Mayo
Sapol sa sentido

Hanggang kailan tayo lalangoy sa putik?
Mabaho at walang sinduming putik?
Na ang kamay na aahon daw sa iyo
Ay s'ya ring kamay na lulunod sa'yo

Kamay na pipisil
Sa gatilyo








No comments:

Post a Comment