Saturday, May 18, 2013

Ronflakes @ Eraserheads Night

Feeling rakstar
And so the almost impossible happened last May 15, 2013 - Ronflakes finally had an actual public gig! Woohoo! Nakakamiss din pala talaga tumugtog. Sakto naman na may fund raising event ang Pinoy Headstock at nagkataon pang ang tema ay Eraserheads. Double whammy dahil nakatulong na sa TUKOD ELEMENTARY SCHOOL and CASALAT ELEMENTARY SCHOOL in San Rafael Bulacan, nakapag enjoy pa sa gig. Ayus!

Since nasa hiatus ang banda ko, buti na lang may mga members sa Team Ely Buendia FB page na gusto ding tumogtog. Sabi ko nga, basta jam-jam lang! It's been a while since the last time na nabato ako ng kamatis nakapagperform ako on stage so exciting talaga. This time, kumakanta na - may gitara pa! Challenging pero I'm game for the fun ride. Game din kasi mga naging kasama ko. Nandyan sina Alean - the young drummer boy na pang-lolo ang trip sa musika. si Edgar ng bandang Radar na naging bass player namin, malupet na composer din at the same time. Si Kenny from my EMCI days played lead guitar, wala pa ring kupas sa paggigitara. At lastly, there's Floid na originally kasama sa banda pero unfortunately di s'ya naging available. He's from Lucena pa at talagang lumuluwas for the love of music. Ibang klase. And together, we formed The Universal Motion Dance Group Ronflakes.

Isang taga Las Pinas (ako), taga Antipolo (Alean), taga QC (Edgar), at taga Taguig (Kenny). Anak ng tinola naman di ba? Paano kami makakapag practice nyan kung ganyan kalalayo lugar namin sa isa't isa? Pero sabi nga if there's a will there's a way. We decided sa Makati huling mag-practice and it was so much fun. Di ko akalain na ganon ko pala na-miss mag-banda. Well, I know this is just a musical outlet peros still, iba yung enjoyment lalo na pag pare-pareho kayo ng passion ng mga kasama mo. I really missed my band pero Ronflakes was a dream come true din. I get to give life sa mga songs na nasulat ko and play vocals, too. Saya! Shout out din pala sa original member ng Ronflakes na si Peachy - s'ya yung kasama ko sa mga live recordings ng 3 kanta kong nai-record sa bahay nila. You can find these songs sa previous posts ko.

And so the night of the gig arrived! Ginanap ang gig sa QC. Doon sa Funky Monkey Bar and Grill. SOBRANG LAYO nito sa amin. Pero sa awa ng Diyos at Google Maps, natangpuan din namin ang venue (with my brother and cousin) ng maaga. Wala pa halos tao sa venue when we arrived. Antay antay lang kami sa table sa mga kasama pa namin. Doon ko na rin na meet 'yung coordinator ng event na si Laykern. Apparently, kilala na n'ya ako dahil kay Floid. Napaka warm at bait ni Laykern kaya naman siguro naging successful 'yung event n'ya. Sa sobrang bait n'ya - sa kanya ako nakahiram ng electric guitar dahil wala akong dalang gitara, hehe.

So isa isa ng dumating ang mga tao. I'd say magaling ang strategy ng event - halos lahat naman ng nago-occupy ng tables band members din so siguradong mapupuno nga, haha! We were asked by Laykern kung kumpleto na daw ba kami - since we're still missing Kenny (na kasalukuyang nakikipagsapalaran sa paglalakbay ng mga panahong 'yon) I said no - at YUN ang pagkakamali namin. I should have said YES na pala. Kasi the time na dumating si Kenny, start na ang first band and guess what - napunta ang banda namin sa dulong performance. 16 bands and we're the 16th to play. BOOM! Nakakatawa pero nakakagimbal din. On the lighter side, okay lang naman kasi enjoy naman ang bawat performances na napanood ko. The bad side is, syempre when you're the last to perform panigurado alanganing oras na 'yun. When we played iilan na lang ang tao sa crowd. Well, not bad for a first gig kasi konti nga pero they're attentive and responsive. Aanhin mo naman ang maraming tao kung dedma naman sa tugtog mo di ba? Saka there's this term na "tugtog-uwi" na nadiskobre ko lang that night. 'Yun yung tipong after mong tumugtog sa gig (lalo na pag nasa bandang una ka na line up) sasabayan mo na ng uwi agad agad. Di mo na aantayin yung last band to play. Some bands mentioned this term and I was kinda hoping they'd stick to their statement since last band nga kami, pero sadly they didn't stick around. Can't blame them entirely kasi naman umaga na that time. Well, better luck next time na lang I guess.

So here's the video ng gig namin. I am very satisfied sa kinalabasan (though sana mas malakas pa pala yung mic ko). Mauuit 'to sa May 30 (Beatles Night) and that time we'll make it better, better, better, YEAAHH! (Nanananana...nananana.. Hey, Jude!)



No comments:

Post a Comment