Tambay Movie Review (or from now on ay tatawagin na nating TMR). Wala itong kung ano-anong shit. Straight-up review kung panget o maganda, may kurot sa puso o wala, at kung ano-ano pa. Pwedeng old, new o di pa pinapalabas na movie (thank you piratebay) ang mapagdiskitahan ko dito. Wag na din mag-expect na laging maaalala o accurate ang movie details like names ng characters or locations, sa IMDB kayo pumunta kung gusto n'yo ng ganon. Spoiler-free naman 'to so safe basahin. Para din di masayang pera n'yo kung may binabalak kayo'ng panoorin sa sine, di ba?
Okay, ilabas na ang unang biktima, este, pelikula for TMR!
Cartegory: 3d animation na comedy, pambata at bata'ng isip
Synopsis: Si Ralph ay nasa mundo ng arcade games. Gusto ni Ralph maging good guy kahit na bad guy ang role n'ya sa arcade game. Doon na nagsimula ang adventure n'ya - to prove na kaya n'yang maging bida.
Positive Comments:
1. Fresh ang location ng mundo ni Ralph which is the Arcade world.
2. Patok ang ganitong set-up to gamers like me.
3. Maganda ang build-up ng characters.
4. May cameo appearances ang iba't ibang sikat na computer game characters.
5. Ganda ng pagkakagawa ng animation
Negative Comments:
1. Some plot holes.
2. Mas okay sana kung may roles din yung sikat na game characters.
3. Ka-bwiset lang yung batang babaeng bida sa umpisa. BRAT!
Kurot Meter: Surprisingly, may kurot sa puso ang pelikula. I give it 2 out of 5 pinch to the heart!
Recommendation: Okay na panoorin ng buong pamilya. Pati adults, lalo na pag mahilig sa games, mag-eenjoy. Mas cool lang sana talaga kung mas matatagal pa ang papel ng mga sikat na computer game villains. Nalinlang ako na kasama talaga sila sa story like when I reviewed this movie's traier here.
Final Verdict: 8/10
Recommendation: Okay na panoorin ng buong pamilya. Pati adults, lalo na pag mahilig sa games, mag-eenjoy. Mas cool lang sana talaga kung mas matatagal pa ang papel ng mga sikat na computer game villains. Nalinlang ako na kasama talaga sila sa story like when I reviewed this movie's traier here.
Final Verdict: 8/10
No comments:
Post a Comment