So napuyat kami ni misis sa pelikulang Les Miserables. Mahigit pala dalawang oras yun pero hindi halata. Paano ba naman hindi hahaba e ang bawat conversation - pakanta. Bawat may internal struggle - kakanta. Mamamatay na lang - kakanta pa rin. Nakakatuwa lang isipin what if lahat ng tao (kasama na mga kapitbahay, tambay, pulis, sundalo, etc.) ay bumibirit katulad sa mundo ng Les Miserables. Mga tipong eksenang ganito:
Boy: ♪♫ Aling Cora pagbilan nga ng sopaaaaaas... ♪♫
Aling Cora: ♪♫ Wala na iho, tanghali naaaa.... ♪♫
Wala ng bibili ng Magic Sing kasi everyday is karaoke day sa pakikipag-usap sa ibang tao. Sarap sana 'nun! Kaya nga after ng pelikula gusto ko na din mag-musical sa pagsasalita.
Ako: ♪♫ Luvski gusto mo ba'ng Yakuuuult? ♪♫
Judy: Tumigil ka nga!
<spoiler alert! (kunwari kakapalabas pa lang ng Les Miserables)>
Back to the movie, well, para sa isang tulad kong ngayon lang nakapasok sa mundo ng Les Miserables, I would say it's beautiful. Di ko alam kung yun yung actual na songs o pinaigsing versions pero just the same, nakaka-enjoy yung mga kanta. Ang gaganda ng tono! Lalo na yung kanta ni Cosette nung bata pa sya, 'nung inutusan s'yang mag-igib sa woods. Cute lang ng boses saka tono, hehe. Syempre alam ko rin 'yung On My Own na kanta. Sa Dawson's Creek ko unang narinig 'yan eh (ewww). Pero akala ko ang kakanta 'nun eh si Cosette o kaya si Fantine, 'yun pala si super sexy (na 3 inches lang yata ang bewang) na si Eponine. Kinanta n'ya 'to habang umuulan sa kalsada. Cliche pero cool pa din. Pero mas cool eh 'yung nabaril s'ya at malapit ng mamatay. Ayun, nagkantahan sila nung crush n'ya hanggang matigok na s'ya ng tuluyan. Naisip ko lang na sana sa medic na lang s'ya nakipagbiritan para may chance pa s'ya mabuhay, di ba?
Isang dangkal na bewang. Bow. |
Favorite parts ko siguro eh 'yun ngang kanta ni young Cosette, 'yung pagkanta ni Fantine ng I Dreamed a Dream, 'yung visuals kapag nagiiskip ng time period (ganda ng editing and cinematography - GRABE), and I also like yung ending scene. Pansin ko lang wala si Javert sa last part so malamang kung wala s'ya sa heaven... alam na.
Maiba ako, naalala ko tuloy yung musical na ginawa namin noong college. Gumawa ako ng anim na kanta na gagamitin para sa musical play namin para sa mga batang cancer patients. Hansel and Gretel na pinoy version kaya ginawa naming Pepe at Pilar ang title. Inspired na inspired ako 'nun kaya within a day ko natapos yung compositions. Ang saya din 'nung nag-perform na kami sa harap ng mga bata. Kahit sa maliit na way lang napasaya naman sila. Iba talaga ang happiness na naibibigay ng music sa tao.
I congratulate the director (Tom Hooper) and other people behind the film Les Miserables. Ang ganda ng shots, ng locations, costumes, make-up, at higit sa lahat 'yung music! Lahat maganda. Hindi boring for a long movie. Well, Sound of Music is definitely longer pero iba'ng category naman 'yun. Ngayon ko lang nalaman ang story ng Les Miserables. I am sure may mga kulang pang eksena sa movie compared sa musical pero it will definitely suffice. Kung gusto mo ng musical na may kurot sa puso at may LSS effect, ehem...
♪♫ Eto na yuuuuunn.... ♪♫
Amanda, Anne at Bewang Girl Eponine |
good job! i'm fan... always has been a fan of this awesome blogger.
ReplyDeletewhy, thank you :)
Delete