Thursday, April 10, 2014

Bang Bang Alley: Brilliant Dark Stories


If you are planning to watch a movie, go watch Bang Bang Alley. Sa panahong madalang pa sa patak ng ulan ang mga lumalabas na de kalidad na pinoy films, isa sa mga hidden gems and pelikulang ito. It's a beautifully crafted movie. Alam mo agad na pinag isipan ang mga istorya at hindi basta basta ginawa para sayangin ang pera ng isang expecting movie goer.

Maarte ako sa pelikula. Lalo na siguro pagdating sa pinoy films. Nakakadala kasi! Minsan kahit mga direktor na alam kong de kalidad gumawa ng pelikula napapansin ko minsan kinakain na rin ng kumunoy ng sistema. Nawawala 'yung art, eh. Puro na lang pagkabig ng kita ang laging priority. Going back to Bang Bang Alley, alam n'yo bang maituturing na mga baguhan sa larangan ng pinilakang tabing ang mga direktor ng pelikulang ito? It's not that wala silang experience (dahil di naman halata), it's just that this is like their debut sa main stream film production. At huwag ka, their film exceeded my expectations ng sobra sobra!

Ang mga direktor ng Bang Bang Alley ay sina Ely Buendia, Yan Yuzon, at King Palisoc. Pamilyar? Of course, Ely and Yan are popular musicians. I honestly don't know King pero sobrang pinahanga n'ya rin ako sa contribution n'ya sa Bang Bang Alley. You see, Bang Bang Alley is divided in to 3 stories. Each directed by the mentioned directors. Di ko alam kung anong training ang ginawa nila for this film pero ang galing talaga ng execution ng bawat segments. It is not your typical movie. It is very unsettling, dark, at talagang parang laging may tension. Sobrang kakapit sa'yo ang plot ng bawat stories. You'd think it's an indie film pero the production's so good. Grabe 'yung pukulan ng dialogues, napaka-natural! Nakatulong din 'yung brilliant choice in casting. Swak na swak ang bawat artistang gumaganap sa kani-kanilang roles. All of them did a great job pero isa sa mga nakatatak pa sa isip ko is 'yung performance ni Gabe Mercado. GRABE sa husay ng taong 'to! Mas kilala lang s'ya sa commercial ng Yakult (Okay ka ba t'yan?) pero he is definitely more than that. Same goes kay Yan Yuzon. Didn't expect na ang galing din pala umarte ni direk! Astig ang delivery ng lines n'ya na di hamak na mas may buhay pa sa ibang artistang napapanood ko sa TV *ubo* *sirchief* *ubo*. Oh! Did I mention na nandito din pala ang Miss World lang naman na si Megan Young? Pati na rin 'yung idol ko na si Joel Torre. IMBA di ba?

With direk Ely Buendia
With direk Yan Yuzon
I will admit, sa umpisa I was not really expecting a lot from the movie. Sa isip ko baka parang typical indie movie lang s'ya na pa-deep o kaya wala masyadong impact. Pero I was wrong. VERY wrong. Nagulat ako sa lalim ng laman ng Bang Bang Alley. Unpredicatble and plot ng mga storya kaya naman lagi kang nag-iisip kung ano ba'ng susunod na mangyayare. They are twists na talaga namang mapapa-iling ka na lang sa kinauupuan mo sa ganda ng execution. This made me believe na kaya naman pala nating gumawa pa ng mga ganitong klaseng pelikula. Pwede pa! Meron pa ngang pag-asa. Pero for that to happen, these kind of movies should be watched, kailangang suportahan ng mga manonood. 'Yung mga ganitong tipo ng pelikula ang dapat nating tinatangkilik and settle for no less. Huwag na sana nating hintayin na sa ibang bansa pa ma-recognize ang mga ganitong klaseng pelikula, dahil if this trend continues to happen - baka nga tuluyan ng lumubog sa kumunoy and pelikulang Pilipino.

Congratulations sa bumubuo ng Bang Bang Alley for doing this outstanding movie... and for doing it theeeeiiir way (pun intended).

No comments:

Post a Comment