Thursday, April 17, 2014

Diary ng Panget (The Movie): Ampanget


Treat this as a public service entry - huwag n'yong sayangin ang pera n'yo sa pagnood ng pelikulang ito. Kung meron kayong perang pang nood ng sine, gamitin n'yo na lang ang perang 'yan sa pagbili ng siomai, burger meal, o kaya ilagay n'yo na lang sa alkansya n'yo. Tama, kahit wala kang alkansya - it's time to make one! You will surely thank me later.

Kung di mo pa napapanood ang film na ito - binabati kita. Pwede mong ma-enjoy ang lenten vacation ng walang gumugulo sa iyong isipan. Walang mga bangungot na eksena sa iyong pagtulog. Pero sa mga katulad naming napanood na ang pelikulang ito, it's too late. Ang magagawa ko na lang ay babalaan ang mga taong pwede pang mabiktima ng Diary ng Panget the movie. Sa bagay, kinokonsidera ko na lang na penitensya ang pagkakapanood ko sa film na ito. That's looking at the bright side.

Medyo kasalanan ng asawa ko kung bakit natagpuan na lang namin ang mga sarili namin sa loob ng sinehan at napapalibutan ng mga teenagers na mga pinanganak yata sa sirena ng bumbero sa lakas tumili. Nabasa kasi ni misis 'yung book na Diary ng Panget at nagustuhan n'ya ang book. At 'nung nalaman n'ya na may movie adaptation na 'nung movie wala s'yang dalawang isip na inaya na akong manood nito. Kahit apat na sinehan ang may palabas na Captain America, dedma lang sila at nanalo ang Diary ng Panget. Just to find out na ayun - ampanget.

Ilang minuto pa lang ng movie ay medyo lumalalim na ang buntong hininga ko sa mga eksena. Kahit si misis na punong puno ng pag-asang magiging masaya ang pelikulang ito ay unti-unti na ring nanghilakbot sa pagtakbo ng pelikula. May times pa nga na magtitinginan kami at sabay iiling after ng isang magulong eksena at malabong editing. Ayon sa kanya, di raw ganun 'yung nasa book. Naniniwala naman ako. Walang book na ganito ka-panget. WALA. Makalipas ang 15 minutes, pakiramdam ko ay isang oras na akong nakaupo sa sinehan. Totoo talagang kapag enjoy na enjoy ka parang ang igsi ng oras, LALO pala kapag bored na bored ka. These are a few things na natatandaan ko lang sa duration ng pelikulang ito:
  • Kamukha ni Kathryn Bernardo 'yung bidang babae
  • Parang bading 'yung bidang lalakeng matangkad
  • Naka auto-scream ang mga babae sa sinehan kapag nasa screen 'yung bidang lalakeng fil-am
  • Doble ang tilian kapag nagpapakita ng katawan yung fil-am
  • Apat na beses nag-alis ng damit ang fil-am
  • Apat na beses pumutok ang ear drums namin ng asawa ko
  • Maraming eksena ang napapakuyom ako sa mga kamay ko with matching teeth grinding
  • Nakakatawa sina Candy Pangilinan at Mitch Valdez, buti na lang
  • Cool 'yung intro. Sana intro na lang ang buong movie
  • Di ko alam anong ginagawa ni Gabby Concepcion sa pelikulang ito
  • During the kidnap and Cinderella scene gusto ko nang mag-teleport sa labas ng sinehan
  • Kung nalampasan namin mag asawa ang pelikulang ito, kaya na namin lampasan ang kahit ano
Sa mahal ng bilihin ngayon, I urge you to conserve money by just spending your hard earned money else where kesa manood sa pelikulang ito. Wala po akong galit sa staff at director ng movie pero kasi naman, bakit naman ganun? I was disappointed at hindi pa ako fan ng book n'yan, what more kaya 'yung misis ko? Salamat na lang din at pinatibay ng movie na 'to ang samahan namin. Inimprove ang aming pasensya at pang-unawa. Kanya kanyang penitensya lang 'yan, hehe. Happy lenten season to everyone!

No comments:

Post a Comment