Saturday, December 28, 2013

Dear Tita Cherry

Hi Tita,

Unang una sa lahat gusto ko mag thank you sa isang taong pinagsamahan natin. Di mo ko binigo sa mga expectations ko sa'yo. Ikaw ay naging isang mabait. masunurin, at dependable na telepono. Remember ginawan pa kita ng review? Truly, I will miss your amazon beauty and build. You've been such a gentle giant.

If meron akong micro complain, siguro yun na yung di kita mabulsa. Sa laki mo kasi, kailangan kong magdala ng maliit na bag all the time to carry you around. Okay lang naman sa simula, pero napansin ko lang na lahat na yata ng picture ko sa 2013 eh may nakasabit akong bag sa katawan. Trademark? Anyway, maliit na concern lang naman yun aside sa fact na na-mimiss ko na din magtext using just one hand.


Kaya starting tomorrow, sana maging mabait ka sa magiging bagong master mo, okay? Huwag kang mag-hahang (lalo na habang tinetesting ka n'ya kasi yare ang sales natin n'yan) at mabilis maubusan ng battery. Wala naman ako naging problema sa'yo on those departments kaya I am confident that we will do just fine. Kagabi nag-attempt ka pa mag-suicide at nag boot-loop ka na parang wala ng pag-asang maayos. Grabe, isang buong araw kita tuloy inoperahan - buti na lang ngayon you're back to your former glory. Alam ko masakit para sa'yo ang paghihiwalay natin pero this is for our own good. Malungkot din ako pero alam ko na this is for our mutual welfare. In other words, pambayad sa kapalit mong phone na si Luigi. Again, nothing personal, pero may mga "talents" si Luigi na wala ka or mas higher level sa'yo na kakailanganin ko sa future. This does not mean you're less of a phone of course, may ibang sets lang ako ng need ngayon na sadly, di mo kayang iprovide. Kita mo naman pagka-post ko sa'yo online di ba? Dumagsa ang mga interesadong bumili sa'yo! Kahit anong tawad nila I said NO kasi alam ko na you are one of a kind... you're the best in what you can do... sa presyong abot-kaya syempre.

Salamat Tita Cherry, I will truly cherish our memories together. Kahit anonng mangyare alam ko "click na click" tayo sa isa't isa.  Happy new year to us!

Thankfully yours,
Ronski


No comments:

Post a Comment