Sunday, December 29, 2013

Anderson Silva: The Leg Breaking Defeat

Kaninang tanghali nakatanggap ako ng texts kung meron daw ba akong alam na live stream ng Silva - Weidman UFC match. Weird. Dahil nanggaling ang mga tanong na 'to sa mga taong di naman ganun kahilig sa UFC pero bakit kaya gustong gusto nila mapanood ang UFC today? Meron ba'ng something? Apparently, meron nga and the video link below (hopefully it's still up) says it all.


Wasak ang buto at career ni Silva sa eksenang ito. Kinda reminds me of Sid Justice's leg break 'nung mga wrestling era, parang pareho ng pagkakabali. To add sa pagiging morbid, it is as if di pa alam ni Silva na bali na pala ang paa n'ya after it broke - syet di ba? Again, ganun din ang kaso kay Sid - paglapag ng paa n'yang bali na, 'dun lang n'ya napansin na "Wow, bakiy di ko na maitungkod ang paa ko?"

Here's his makabaling hiningang video.


On this note, naaalala ko tuloy ang isang linya sa pelikulang Gladiator "Are you entertained?" 

Indeed, tataas talaga respeto mo sa mga players ng wrestling, boxing, o kahit anong physical sport dahil talagang may risk na kasama. Ilan na bang career ending injuries ang napanood natin online at live? Kahit sa boxing, may mga na-knockout na di na nagising. Biruin mo yun? Ganon kalupet! Kaya ako tamang chess na lang talaga sports ko, eh.

RESPECT to Silva at sa mga athletes, amateurs, and professionals na nandyan who give their all just to "entertain" us.


No comments:

Post a Comment