Monday, March 25, 2013

Meet Tita Cherry

Kasama si Anne Curtis sa box
Mukhang medyo napatagal ang pag update ko sa blog ah. Can't complain dahil busyness is next to peraness.  Kailangan kumayod dahil maraming bayarin, hehe. Well, speaking of bayarin, I am glad to introduce you to my new phablet (phone-tablet) - Tita Cherry.

Tita Cherry dahil isa syang Cherry Mobile Titan TV model. Opo, patawarin n'yo po ako at naging kampon na ako ni Kuya Wil. Wag n'yo po ako i-judge, don't do that to me. At least di ko binili yung Wil-fone na ang balita ko ay may mga kasama ng mga bastos na videos when you buy one (joke lang, baka mapabili ka bigla). Enough of Willy bashing and let's move back to Tita Cherry.

JUMBO.
Malaking bulas si Tita Cherry! 6-inch phablet s'ya na dual core with 1GB of RAM. Not bad for a 6,999 phablet indeed. Meron din syang 2500mah na battery kaya sulit na sulit ang candy crush hours mo dito. Usually kasi ang mga phones ngayon 1500-1800mah lang ang battery kaya kahit anong ganda ng phone, parang bitin dahil konting lingat mo lang katabi mo na naman ang power outlet at nagcha-charge. Ganyan experience ko sa na-heat stroke kong cellphone (sumalangit nawa). Another feature of Cherry Mobile's Titan TV is its (obviously) analalog TV access. So kung wala kang TV sa kwarto at gusto mong manood ng teleserye o kaya naman updates kina Kris, James, Chiz and Heart, pwedeng pwede kang manood at the comfort of your bed. Titan TV comes with an antenna/stylus na pwede mong ikabit sa kanya when you watch TV para mas swabe yung reception. Dapat lang siguro malakas din ang reception mo para mas malinaw ang mga channels sa TV mo.

Bago ko bilhin si Tita Cherry I was planning to buy another Cherry Mobile phone, one of their newest releases. Kaya lang when I learned na available na ulit ang Titan TV (tagal kasi nyang na out of stock), mas nainlab ako sa kanya! Ilang SM Malls na rin kasi nilibot namin ni Judy just to find one pero pati sa Lazada wala na rin. Bago kasi ako bumili ng phone grabeng research muna ginagawa ko para sulit talaga di ba? So bago pa ilabas ng Cherry Mobile ang 2 new phones nila (Flame 2.0 and Omega HD) Titan TV is the only Cherry Mobile phone na may 1GB RAM and dual core pa. Hirap kasi sa mga bagong nilabas na phone, mas maliit ang battery capacity compared to Titan TV. So I decided na lang to go sa pwede kong gawing phone at tablet at the same time. Alanganing phone at tablet. Phablet. Phabulous! (just have to say it, hehe)

Here's Titan TV's full specs:

Dual SIM / Dual Standby (perfect para sa mga sandamukal ang contacts)
6-inch WVGA (800x480) capacitive display (JUMBO. IKR?)
155ppi with 5-point multi-touch feature (multi touch so very responsive lalo na sa typing text)
1GHz dual-core MT6577 processor
Android 4.0.4 (Ice Cream Sandwich) (tamang tama ngayong tag-init!)
(Upgradable to Android 4.1 Jelly Bean) (..at lumevel up na pala sa jelly bean)
PowerVR SGX531 GPU
1GB of RAM
4GB of internal storage
microSD support up to 32GB
8MP autofocus camera with LED flash
720p HD video recording (descent video recording, pwede ng pang-indie)
2MP front camera
Gesture Mode Function (meron din s'ya neto pero who does this? seriously?)
microUSB v2.0 / 3.5mm audio jack
Wi-Fi 802.11 b/g/n / WiFi Hotspot (fast internet!)
GPS with A-GPS support / Bluetooth v4.0
Mobile TV / FM Radio / Dual Speakers (the stereo speakers will BLOW you away sa lakas)
Dual Mic with Noise Cancellation feature (magagamit ko 'to sa recording :))
GPRS/EDGE GSM 900/1800 (Dual-band)
3G/HSDPA capable (UMTS 2100)
Accelerometer / Proximity Sensor / Light Sensor
Li-Ion 2,500mAh battery (removable) (JUMBO battery kaya mo ba 'to?)
166 x 91 x 10.5mm (dimensions)
200g (weight)
Color: Black and White
Price: Php6,999 (Official SRP)

What's in the box:

Cherry Mobile Titan TV (DUH...)
2,500mAh battery
Flip Cover (YES! i love freebies!)
Stylus / Detachable Antenna (don't expect ala-Note 2 stylus performance)
Standard 3.5mm Headphone (this headphone sucks too, use your own)
Charger
MicroUSB Cable
Warranty and Manuals

For a full review:

http://symphonyx7.hubpages.com/hub/Cherry-Mobile-Titan-TV-S320-Review

So if you're looking for a budget phone na di ka lugi sa performance - I'd say go buy this phablet. You can definitely choose their newer models pero there's something universally appealing sa Titan TV eh. It's like having a lot in just one gadget. A phone, a tablet, a TV, a noise-cancelling recorder and of course a new day to day companion (naks). Well, I hope Tita Cherry will impress me like Lito Lappy (my Acer laptop) does everyday kahit abusong abuso na, hehe. Which reminds me, kailangan ko na pala mag download ng new episode ng Walking Dead! Ciao!


No comments:

Post a Comment