Saturday, March 2, 2013

Bidang Mahirap VS Kontrabidang Mayaman


Kapag ang kontrabidang mayaman nasangkot sa trobol: Kakausapin ng mayamang daddy nya habang umiinom ng alak sa terrace habang nakapalibot ang mga goons. 'Eto ang mga siguradong linya n'yan:

"Di mo na ako binigyan ng kahihiyan!"
"Tatawagan ko si attorney, malulusutan natin 'to"
"Pumunta ka muna sa rest house, magpalamig ka muna 'dun"

Kapag ang bidang mahirap ang nasangkot sa trobol: Malamang pupunta agad ang ating bida sa kanyang tiyuhin sa isang depressed area para magtago. Maraming tambay, nagkalat ang bata, ganong tipo. Sa umpisa medyo tatanggi pa 'yung asawa ng tiyuhin n'ya kesyo masikip na sa bahay nila at wala na nga sila makain. Pero after a few convincing words ng tiyuhin - papayag na din si t'yang. Along the way, mapapalapit ang loob ng bida sa batang kasa-kasama ng tiyuhin n'ya sa bahay. 'Eto ang makaka-sparring n'ya sa asaran, at paminsan-minsang tampuhan.

Kapag ang kontrabidang mayaman ang dumiskarte sa babae: Tamang stalker lang ang datingan. Pag labas sa opisina ng babae, naka-abang agad ang magarang kontse ng ungas habang naka-sandal at may hawak na bouquet of flowers. Kapag tumangging magpahatid 'yung babae NAKO 'eto na ang eksena:

"Bakit ba ang arte-arte mo ha? Alam ko namang gusto mo din ako di ba?" - ungas
"Ano ba nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" - leading lady

At 'yan na ang queue para sikmuraan ng kontrabida ang palabang leading lady para mawalan ng malay. Isasakay sa kotse at BOOM - the classic kidnap scene begins. Nga pala, may malalaglag na suklay o bag 'yung babae sa kidnap scene para 'yun ang gagamiting "clue" ng ating bida sa paghahanap sa babae.

Kapag ang bidang mahirap ang dumiskarte sa babae: Ganito ang eksena. Pauwi na yung leading lady. Biglang may mga lasing na haharang at babastusin ang babae. At out of nowhere may sisitsit. Mapapalingon ang mga lashenggo. Extreme close up sa bida na manggagaling sa dilim. 'Eto ang mga banat:

"Mga brad, ang babae di binabastos... minamahal"
"Bitiwan n'yo s'ya! Miss... okay ka lang?"

O kaya wala ng salita-salita - bakbakan agad! 10,000,000 pogi points para sa astig nating bida.

Kapag ang bidang mayaman namroblema sa lovelife: May eksenang umiiyak sa kotse at langong lango sa alak. Kapag ganyan ang eksena 90% sigurado mababangga yan! Minsan naman magkukulong sa banyo at bubuksan ang medicine cabinet. Lalagok ng kung ano anong tabletas. Pwede ding maglalaslas. Well, that works para sa mga emo na bida pero sa mga matitino - ayun, lilipad papuntang ibang bansa para "hanapin ang sarili".

Kapag ang bidang mahirap namroblema sa lovelife: Asahan mo ang landing n'yan sa beer house. Iinom ng iinom. Mapapa-away at doon ibubuhos ang sama ng loob. At kahit gaano pa katanda 'yang bida na 'yan may papatol at papatol d'yang ibang babae. Nakakagulat lang na halos lahat ng bidang pulis sa mga pelikulang pinoy eh BABAERO. Parang proud pa sila na mai-portray sa sine na babaero sila. Again, PA-POGI effect. Kapag babae naman 'yung bida usually nagpapakadukdok lang sa trabaho para makalimot. Magfo-focus sa pamilya. Magiging man-hater at parang ang goal na lang sa buhay ay umahon sa hirap.

Kapag kontrabidang mayaman namroblema sa lovelife: Wala ng sabi-sabi. KIDNAP na 'yan! Ipapadukot sa goons 'yung babae at dadalhin sa bodega. Kapag naman babae ang kontrabida - seduction is the name of the game! Nandyang lalasingin si lalake tapos aakitin. Itatago ang susi ng kotse sa loob ng bra sabay sabing "Come and get it!"

Kapag kontrabidang mahirap namroblema sa lovelife: Actually ganon din eh - KIDNAP! Pero instead na goons, mga kabarkadang lasenggo ang kasama n'ya sa pag-kidnap. Sa halip na sa van, sa tricycle o jeepney ipapasok 'yung babae. At syempre 'eto ang mga walang kamatayang linya:

"Kung di kita makukuha - walang ibang makakakuha sa'yo"
"Kundi ka makuha sa santong dasalan... dadaanin kita sa santong paspasan!"
"Kahit sumigaw ka pa walang makakarinig sa'yo dito!"
"Yan! Yan ang gusto ko 'yung lumalaban! NYAHAHAHA!"
"Nasaan na ngayon 'yung pinagmamalaki mo, ha?"

At ang nagtitrigger sa warfreak mode ng kontrabida eh kapag:

1. Kinagat ng babae sa labi ang kontrabida habang hinahalikan s'ya nito. BOOM! Sampal.
2. Sa halip na halikan 'yung kontrabida eh dudurhan pa ng babae sa mukha. BOOM! Sikmura.
3. Sasabihan ang kontrabida ng "Kahit makuha mo ang katawan ko, di mo makukuha ang puso ko!" BOOM! gahasa.


No comments:

Post a Comment