Monday, July 21, 2014

After Glenda

"Welcome home, master Jay."
Apat na araw na walang kuryente at tubig. Wow. That just happened. Talagang mararamdaman mo ang malakas na impact ng mga ganitong senaryo lalo na kung dependent ka sa electricity at technology. Surprisingly, meron din naman good side ang mga ganitong pangyayari. Well, all of these thanks to Glenda the typhoon.

Isa sa mga pinaka naapektuhan ng bagyong Glenda ang Las Pinas. Lalo na 'yung sa bandang Admiral Village. Doon sa bahay na malapit sa court. Sa bahay na may isang batang may online work at dependent ang trabaho sa internet. Internet na dependent sa kuryente. Kuryente na nawala ng apat na araw. Grabe - ang hirap! Kung dati ang rason lang para mabadtrip sa brown out ay dahil di ka makakapanood ng paborito mong palabas sa TV o kaya di ka maka-access sa Facebook, ngayon mas malaki na ang at stake dahil without electricity - di ako makapagtrabaho. In addition, walang kuryente means wala ding tubig so talagang pahirapan ang buhay sa loob ng apat na araw na 'yon.

The day after Glenda, dagsa ang mga tao sa mall. Parang zombie apocalypse ang datingan dahil lahat nag-iimbak ng supply. Ubos ang rechargeable fan at ilaw sa Ace Hardware. Parang christmas rush ang dami ng tao sa supermarket. At higit sa lahat - milya milya ang layo ng pila sa pelikulang She's Dating a Gangster sa cinema sa kabila ng krisis na ito. Iba ka talaga Daniel - IBA KA!

Putol pa 'yang kuha ko na 'yan - triple pa haba ng linya na 'yan.
Numero unong problema during these chaotic days ay ang charging ng phones. Mapadaan ka ng 7-11, parang may pinagbuburol sa loob sa dami ng taong nakatayo. Ayun pala naman, binabantayan ang ever precious nilang phones sa charging station. Tiyak ang laki ng kinita ng 7-11 sa charging stations nila sa apat na araw na 'yon. So puno na ang mga 7-11 - paano na? Why not charge sa malls? Pero nagulantang kami ng makitang bawat outlet sa mall ay may nakatambay ng pamilya (with matching upuan) at ginawa ng charging territory ang bawat outlet sa bawat floor ng mall. Parang may dalang sangkatutak na gadgets ang bawat grupo at talaga namang sulit na sulit ang bawat katas ng kuryente sa mall. 'Yung iba may dala pang extensions para nga naman sabay sabay makapg-charge ng gadgets kahit dadalawa lang ang outlet. Kulang na lang magtayo ng tent, eh. Bibilib ka rin talaga sa pinoy pagdating sa survival instinct.

Spell LIMAS.
Nakakalungkot din 'yung aftermath ni Glenda sa kalsada. Ang dami kasing punong nasira, 'yung iba nabuwal pa. I felt sad specifically for this one tree na malapit sa post office sa Lawton. Pagbaba mismo ng tulay. Meron kasi ako 'dung pabiritong puno na mala-cherry blossoms lang ang peg. Ang ganda n'ya lalo na pag naglalagas ng dahon. Parang autumn in Lawton ang datingan ganon. Ayun, wala na s'ya. 'Nung napadaan nga ako napakanta ako ng Kanlungan by Noel Cabangon.

"...Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?"

Sabay bagsak ng aking luha papalayo sa mga nawasak nitong sanga. Joke lang, nagkukumahog na 'kong tumawid 'non kasi umuulan na naman.

Nabanggit ko kanina na meron ding good side ang mga pangyayaring ganito. Mahirap paniwalaan pero siguro nga sa bawat pagkawala - talagang automatic na nagkakaroon ng something. Well,  I am talking about going back to basics. Nawalan ng kuryente. Walang internet at TV. Walang aircon o electric fan. Walang malamig na tubig at madilim ang paligid. Pag natapos ka na sa litanya at reklamo, mauuwi ka din sa adjustment, eh. You'll start to appreciate things na di mo napapansin na andyan lang sa tabi tabi all this time. Like 'yung pakikipagkwentuhan sa loob ng bahay. Sa wakas di na nakayuko lahat sa kanya kanyang cellphones ang bawat tao sa bahay. Back to basics. Para makatulog ng maayos mas masarap 'yung may nagpapaypay di ba? So naghalinhinan kami ni misis na magpaypay. Parang sa loob lang ng selda - merong nakatoka magpaypay, shifting ba. In our case, parang kami 'yung mga preso at 'yung mga pusa namin ang mga mayor dahil sila nakiki-salo sa hangin di naman marunong mag paypay. Nasaan ang hustisya?

At nagkaroon na nga ng kuryente! Naiimagine kong parang eksena sa isang graduation, pero instead na diploma ang inihagis ng mga tao - mga pamaypay! Yahoo! Slo-mo ang eksena at may mga confetti na pinasabog ang langit. Maririnig din sa background ang kantang Kanlungan... REMIIIXXX!!!

Enjoy the rest of the beat, break it down, y'all...


No comments:

Post a Comment