Saturday, April 2, 2016

Ronscreens: Batman v Superman: Dawn of Justice

Nang magkatampuhan sina Batman at Superman
Kung di mo pa napapanood ang pelikula, well, I'll help you make up your mind kung worth it ba s'ya panoorin sa sine o pwedeng abangan mo na lang ang malinaw na version n'ya sa torrent. Unang una, komut nandito sina Superman, Batman, at Wonder Woman, wala po dito si Carrot Man. Kaya kung 'yun ang ineexpect mong cameo, sorry for the disappointment.

Diretsong tanong: Maganda ba ang pelikula?

Diretsong sagot: Oo.

Diretsong reaction: Weh, 'di nga??!

Pahawak idol!
Siguro sandamakmak na negative feedback na din ang nabasa mo tungkol sa movie na 'to. Ako for example, before watching the film, ang daming bad reviews ang nabasa ko sa timeline ko at from other film critics. Actually may time nga na I just decided to download the movie at panoorin na lang ang Hele sa Hiwagang Hapis. Pero sa sulok ng isipan ko parang may tumatawag. Parang may nagsasabi na give Batman v Superman a chance. So I did.

The day after I watched Hele, BvS naman ang pinanood ko and parang di naman s'ya 'sing pangit ng sinasabi ng iba. Medyo fan din naman ako ng DC Universe kaya I'd say I understand anong gustong gawin ng Warner Bros. sa pelikulang ito. The movie felt jam-packed dahil sa totoo lang, iwan na iwan na sila ng Marvel when it comes to narrative. Parang nag-decide na lang si Zack Snyder (director) na gamitin ang BvS to introduce the other cast of Justice League kahit na kulang kulang pa sa character setup ang bawat isa. I know he knows the risk pero sabi nga nila, bahala na si Batman *wink*.

So it's jam-packed. So what? Alam ko I prefer stand alones muna sana pero these guys are not totally in control siguro. Sigurado ako super pressured sila to come up with a film na kayang i-showcase ang dalawa sa mga pinakamalulupit nilang characters PLUS Wonder Woman PLUS Doomsday PLUS Justice League. Not to mention including some comic story arcs na pwede sanang stand alone movies. SANA is the word. Wasted opportunity nga daw sabi ng iba, pero well, can you do a better job if you were in Zack's director's chair?

Batman: Huwag d'yan! May kiliti ako d'yan!
Well, so ano ba nagustuhan ko sa film. Well, maganda ang visuals at ang action scenes. Ramdam ko namang ginawa ni Zack ang best n'ya sa kung anong binigay sa kanyang script. May mga eksenang unpredictable na wala sa comics pero he pulled it off just fine. Surprisingly, mas sapaw si Batman sa pelikula. Sinong mag aakala na ang dating failed attempt ni Ben Affleck sa Daredevil ay mababawi naman n'ya as the new Batman. Daming duda dati kay Ben, si Ben na walang malay. Pero ngayon everyone's looking forward sa solo movie n'ya.

May mangilan ngilan ding emotional moments sa movie na 'to na talaga naman touching. Despite sa rushed development ng mga characters, effective pa din ang drama moments dito. Just imagine what more kung napaganda pa lalo nila ang build up. Sa pelikulang ito, naramdaman ko ang tunay na kabayanihan ni Superman (Henry Cavill). Most of the emotional scenes galing sa kanya and then kay Batman naman ang action scenes. Nagdagdag din ng plus points ang saktong pagganap ni Gal Gadot as Wonder Woman. Wonderful talaga s'ya!

Superman: I-dawn zulueta of justice mo ako!
Okay, negative side naman ng film. Di ko natripan 'yung role ni Jesse Eisenberg as Luthor's son. Sana nirekta na lang talaga nilang si Lex Luthor ang kontrabida. Para kasi s'yang twitchy version ni Jesse. Parang si Joker 'yung mannerisms saka 'yung ending scene n'ya? Awkwardly bad para sa'kin. Another big gripe ko is the reason for our heroes' conflict and the reason why they reconciled. Parang, well, ang babaw lang. Iisipin mo na sana nag-usap na lang sila ng maayos. Pareho naman silang matatalinong characters, pareho naman silang may sense of justice, so wht not? I guess dahil kung nangyari 'non eh di walang Batman v Superman, di ba? Good point.

Doomsday. Wow. 'Yun na 'yun? 'Eto 'yung nakakahinayang sa lahat, eh. Bakit kailangang isama na agad sa story si Doomsday? Napaka-pivotal sana ng magiging role ng kalabang ito kung maisasama lang sa hiwalay na film. Wasted opportunity, indeed. Saka isa pa, parang nasasagwaan lang ako how Doomsday was created so conveniently. I mean, ganon lang? Parang naging masyadong exploitable ng Kryptonian technology kung ganon. Wala lang, kinda felt dumbed down.

Pero sa kabila ng mga let downs na 'to, I can still say na maganda naman ang pelikula in general. Kung hindi ka nga masyadong aware sa lore ng DC universe, you might like it even more. It's just a shame na kailangan nilang i-rush at ipagsiksikan ang mga bagay-bagay pero that's how the business go I suppose. Kailangan talaga nila 'to to meet their timeline lalo na against Marvel which will have Civil War coming up real soon. So I still suggest na watch this film and enjoy it as it is. It's a decent 2 and a half hour movie that's totally worth your money.

No comments:

Post a Comment