Monday, April 4, 2016

To Lie (A Pre-Election Fiction)

Ang tulay. Bow.
Meet Juan. Ilang taon na s'yang dumadaan sa isang tulay para makapunta sa kabilang isla. And why not? Ligtas ang tulay na ito. Kumbaga subok na ito ng panahon. Kahit na may mangilan ngilan na hindi satisfied sa tibay nito, most still believe na ito ang pinaka epektibong paraan para makarating sa kabilang isla.

Minsan, napansin ni Juan na medyo dumadami yata ang nakakasalubong n'yang adik sa tulay. Minsan meron ding rapist, magnanakaw, mga corrupt na government officials, at kung ano-ano pang masasamang elemento. Hindi naman direktang apektado si Juan ng mga ito though minsan na s'yang nadukutan ng wallet sa paglalakad n'ya sa tulay, nagpasalamat na lamang s'ya na ligtas pa rin naman s'yang nakatawid. In short, hindi perpekto ang tulay pero it's tolerably efficient.

After ilang taon pa, buo pa rin ang tulay. Napakarami ng nagrereklamo about its cracks at humihinang pundasyon pero hanggang 'dun lang naman 'yun. Puros reklamo. Sa isip ni Juan, kaya din naman nagkaganon ang tulay ay dahil na rin sa mga taong walang disiplinang dumadaan dito araw-araw. Paano ba naman, walang takot ang mga tao sa parusa. Lalong lalo na ang may pera. Malinaw sa isip ni Juan ang problema pero alam din n'yang napakahirap nang solusyunan nito. Sanay naman na ang mga tao sa pagtawid sa tulay. So as long as nakakatawid ang mga tao, regardless of the condition ng tulay, siguro nga okay na lang din 'yon.

Nakakatawang tingnan ang mga taong walang humpay na nagrereklamo patungkol sa tulay HABANG patuloy na tumatawid sa mismong tulay na nirereklamo nila.

Nabanggit ko bang hindi lang iisa ang islang pwedeng puntahan ni Juan? Meron pang dalawang islang pwede n'yang puntahan sana kung tutuusin. Pero unfortunately, walang tulay papunta sa mga islang ito. Ang dalawang islang ito ay sobrang under developed and it's safe to say na napag-iwanan na ng panahon. 

Ang mga islang ito ay ang Visayaz at Mindanao.

Naisip na rin ni Juan na kung meron lang sanang tulay papunta sa isla ng Visayaz at Mindanao eh di sana may patas na opportunities ang mga taong nakatira doon. May posibilidad sana ng pag asenso at pagsabay sa progressive na pamumuhay tulad ng isla sa kabila na tulay - ang Luzon. Sana.

Pero sa ngayon, parang halos walang impact ang dalawang isla na tila hindi parte ng bayan ni Juan. Habang tambak ang reklamo ng mga taga-siyudad patungkol sa tulay nila na kesyo luma na, marupok, mahirap daanan, masikip - parang boses lamang ng kulisap ang hiling ng mga tao sa isla ng Visayaz at Mindanao. Ano ang hiling nila?

Tulay.

Tulay na parang nakalimutan ng ibigay sa kanila sa napakahabang panahon. Everyone has been so preoccupied sa pang araw-araw na struggle nila sa pagtawid sa tulay na nakalimutan na nilang may dalawang isla palang umaasa pa ring magkaka-tulay balang araw. Kailan nga kaya ang araw na 'yon? Bukas? Makalawa? Sa isang linggo? Isang buwan?

Sa Mayo. Araw ng eleksyon.

*bleeep* *bleeep* *bleeep*
May kandidatong nag-propose ng bagong tulay. Napaka-ambitious ng tulay na ito dahil ayon sa kanya, aabot din ito sa isla ng Visayaz at Mindanao. Wow. Seriously? 

At bawal daw tumawid sa tulay na ito ang kahit anong masasamang elemento! Ang lahat ng magpupumilit ay ilalaglag sa tulay at, you guessed it, mamamatay! At ang pinakamalupit sa lahat, kaya daw n'yang gawin ang tulay na ito within 6 months... or less! Again, with feelings, SERIOUSLY?!

Wala pang kahit sino ang nag-attempt ng ganito sa bayan ni Juan. Napaka-drastic to the point na unrealistic na! Nakakatakot! Kaya n'ya ba 'yon? Paano kung napagbintangan lang na masamang elemento? Laglag agad sa tulay? AGAD-AGAD?! At syempre isang milyong tanong pa ang ipinukol sa kandidatong ito. 

Kabado si Juan sa paraaan n'ya, Masyadong brutal! Parang walang kasiguraduhan. Kung boboto man s'ya - 'dun na s'ya sa sigurado. Pero ano nga bang sigurado? Sino ba'ng nagsasabi ng totoo? Sa panahon ng mabubulaklak na salita at pukulan ng putik - saan pa ba s'ya sigurado? Anong desisyon ba ang walang risk? Paano ba n'ya makukuha ang pagbabago kung wala namang magbabago in the first place? 

Should it really come to this? Kailangan ba talagang mag-risk kung gusto ng pagbabago? Wala bang surebol na solusyon na lang sana? Wala bang safe answer? 

Actually, meron. Merong safe answer. As a matter of fact, ilang taon ng umuulit-ulit at umiikot ang buhay ni Juan sa safe answer ng di n'ya namamalayan. Pero hanggang kailan?

Sa pagtatapos, hayaan mong iwanan kita ng ilang linya mula sa awitin ng Eraserheads. Choose wisely, Juan.

At kung ngayon lahat ng panaginip mo'y biglang naglaho
Pare-pareho lamang tayo isipin mo walang nagbago...

No comments:

Post a Comment