Thursday, April 7, 2016

Jason Magbanua (Tipid Version)

So isang pasabog ang bumulabog sa mundo ng internet kailan lang ng biglang nag-post ang super sikat na videographer na si Jason Magbanua nito:

Sapat na ang apat na salitang 'yan para magimbal ang Pilipinas
Sa mga di nakakakilala kay Master Jason, s'ya lang naman ang isa sa pinaka in demand  at creative na videographer sa Pilipinas. Pero syempre great service comes with great cost. In short, hindi lahat afford ang serbisyo n'ya. Napatunayan ko 'yan noong panahon na nagka-canvass kaming mag-asawa sa sandamakmak na wedding expo. Kaya naman 'nung sinabi n'yang he will work for free - BOOM! Hindi lang mga ikakasal ang nataranta kundi pati na rin mga wala pa namang jowa. Sa kagustuhan nilang maka-tsamba sa libreng serbisyong ito, cramming sila ngayong makahanap ng mapapangasawa. Ganun kalupit si Jason Magbanua! Pero may option ba ang couple na walang budget para kay Jason? Meron!

Isang video lang n'ya ang napapanood ko pero talaga namang humanga ako sa style n'ya at tutorial sa pagkuha ng wedding video. Here's his video and you be the judge.


No comments:

Post a Comment