Monday, April 25, 2016

Presidential Debate Round 3 Review

New Pop! Funko toys. Each sold separately.
First time ko mapanood ng live ang debate ng mga presidentiables and I could say na mas "peaceful" ang debate na 'to. Unlike ng previous debates, mas konti ang pukpukan ng mga kandidato sa bawat isa. Less entertaining pero we all came here for substance so I guess that's OK. So what happened on today's face off? Here are my thoughts.

Overall, maayos naman ang coverage ng ABS-CBN pero I'd say mas exciting yung sa TV5. Pero anyway, there were less commercials saka most of the time nasusunod naman ang time limit ng mga kandidato. Pero they have the slowest fast-talk na napanood ko EVER. Also, wala masyadong trash talking between candidates pero pansin ko lang ang iingay ng supporters, nakaka-distract din minsan. I think pinaka-active ang cheerleaders ng Binay at Roxas team (cue: Cheerleader song).

Now, we go to the candidates:

Binay: 
  • S'ya ang pinaka 'di mapakali sa mga kandidato - mahilig lumakad-lakad sa stage. Medyo aligaga lang si kuya.
  • Magaganda ang promises n'ya. Parang lahat libre na, eh. Libreng pag-aaral, no more income tax, at kung ano-ano pa. Pero saan kaya kukunin ang pondo?
  • Really heard nothing new from him. Parang kampanya spiels pa rin as usual. Stress on pagiging decisive leader n'ya at problema sa implementation ng mga plataporma.
  • Wrong move si Binay 'nung sinabi n'yang blue ang kulay ng damit ni Karen Davila. He was corrected by Karen by saying na DARK blue daw ang suot n'ya. Parang may diin sa word na "dark" eh.
Miriam:
  • I really feel sorry for Miriam. Napakalaking sayang talaga! I feel na meron pa rin s'yang iniinda and it's a shame na ang galing galing sana ng utak n'ya.
  • She was sitting kapag hindi siya ang magsasalita. There was a time na turn na n'ya pero delayed reaction naman s'ya. Making me think twice kung OK na nga ba talaga s'ya.
  • She's still fierce as ever. Minus the occasional pauses, matitinde pa din ang mga banat ni Miriam. In my opinion, s'ya sana ang pinaka-qualified na kandidato sa kanilang lima. 
  • Naging personal taga-alalay n'ya si Binay, in fairness. S'ya na gentleman! Tapos si Duterte naman ang tanong lang sa kanya "How are you today?". Haba ng hair ni madamme!
Duterte:
  • Less comedic mode ang peg ni Duterte this time. Wala masyadong patawa at serious talaga ang tono n'ya lalo na when it comes to drugs. Gulat lang ako pati mga anak n'ya papatayin daw n'ya pag nag drugs. Wala ng rehab-rehab - tumba agad?!
  • Medyo may pagka-bayani ang approach n'ya sa problema sa West Philippine Sea. Ikaw ba naman magpunta sa isla para lang magtayo ng Philippine flag, eh. Tinde.
  • Sure akong kumota si Duterte sa pag-banggit n'ya sa salitang "STOP".
  • Top campaign contributor n'ya pala si Emilio Aguinaldo. Bigat! 
Duterte: Watawat Man
Poe:
  • After tawaging vice president ni Tony Velasquez si Mar Roxas, nakalimutan naman n'yang pasagutin si Grace Poe sa isang issue. Steve Harvey moment indeed. 
  • As usual, kalmado naman ang approach ni Grace Poe. Kahit binanatan s'ya ni Binay ng citizenship issue, cool pa rin s'ya at sinagot si Binay in a motherly manner.
  • Natawa lang din ako sa line ni Grace na "Ang mga tao ay hindi makina. Hindi sila basta-basta itatapon na lang kapag hindi na kailangan." or something like that. Daming broken hearted na naka-relate. Daming hugot ang naganap.
  • Nayari n'ya si Duterte sa tanong n'ya about sa mga kababaihan. Nagmistulang barumbadong anak si Duterte na pinagsasabihan ng nanay regarding respecting women.
Mar:
  • Pinaka confrontational na naganap na eh 'yung hamunin n'yang umatras si Duterte sa candidacy if he proves na mali ang sinasabi ni Duterte. Well played, well played.
  • Naramdaman ko ang kilig ni Leni 'nung sinabi ni Mar na para sa kanya, si Leni ang mananalong vice president. Nako, yare ka kay Korina, tsk.
  • Matinde si Mar. Halos lahat ng binitawang plano ng mga kalaban n'ya eh nasimulan na daw nila. IMBA. 
  • I would say na overall champion si Mar sa round na 'to. Sakto ang mga sagot at sakto din sa oras. Parang natadhana ang mga tanong sa mga nakahanda n'yang sagot.

No comments:

Post a Comment