Thursday, May 5, 2016

May Nangangampanya Pa Ba?

Push n'yo 'yan
Pansin ko lang, 4 days before election day - may nangangampanya pa ba? I mean, lalo na sa social media, meron pa bang masasabing "nangangampanya" talaga? Even days before, I noticed parang wala na yata kasing nagpapabango ng pangalan nila. 'Yung tipong "Pag ako ang binoto n'yo, gagawin kong ganito ganyan ang buhay n'yo..." o kaya "Ako po ang iboto n'yo dahil ako ay masipag, matulungin, magalang, uliran, etc.". Wala ng halos ganon, eh. Alam mo kung ano na lang meron?

"Huwag iboto si Duterte!"

Doesn't matter kung sinong presidentiable mo - lahat sila parang sumuko na magkalat ng good traits ng kandidato nila sa social media kapalit ng bad traits naman ni Duterte. Hirap na nga ma-distinguish kung sino ba kandidato ng isang taong nag-post ng anti-Duterte comment/status/post. Parang pare-pareho na lang sila lahat. Kumbaga, me against the world lang ang peg ni Digong.

For one, may maganda palang naidulot ang phenomenon na ito - it united everyone else to stand up and oppose Duterte's popularity. Kaya salamat Duterte at napagkaisa mo ang lahat ng supporters ng mga kalaban mong kandidato. Grabe no? Di pa nga nananalo nagawa na n'yang pag-isahin sa isip at diwa ang dating magkakakaaway na supporters, he he. Kidding aside, pakiramdam ko talaga nanonood ako ng boxing na magkakakampi sina Mar, Poe, at Binay habang mag-isa lang si Digong sa kabilang corner, Well, if you're wondering nasaan si Miriam - s'ya 'yung round girl.

Sobrang kakaiba ng halalan na 'to. Such a circus of events. It definitely gave new meaning sa "pangangampanya" - ngayon it's all about finding fault sa kalaban instead of pabanguhin na lang ang pangalan mo. Huwag lang magka-issue si Duterte, sakayan na lahat sa bandwagon of critics. I can just imagine their frustration na in spite their aggression, parang cool na cool lang si Digong. Ever so carefree na pinapagpag lang ang efforts nilang pabagsakin s'ya. Surely may makikita talaga tayong faults sa kanya, pero obvious naman kung gaano na lang ganon ka-effort ang mga kalaban paano ito palakihin at talagang gamitin against him.

Sama sama sila? Ang sama sama naman n'ya!
I have friends na dati pa post-post lang ng "Ibot n'yo si <insert presidentiable here>" pero ngayon wala nang ganon. Napalitan na ng "Huwag n'yo iboto si <insert Duterte here>". Ang daming black propaganda, ang daming bad things na bunga ng masususing pananaliksik ng bawat kampo. Some maybe true, some maybe false, pero it's clear as day na they all have a new priority mission now. Second priority na lang maipanalo ang bet nilang kandidato, main objective now is mapigilang manalo si Duterte. "Aye aye, ma'am/sir!"

Well, good luck with that. It's either tatanga tanga lang talaga ang majority ng mga Pilipino to still support Duterte OR these people just believe in him that much that they are willing to give him a chance. Maybe they want change? Lahat naman tayo gusto 'non pero of course for the better dapat. Again, in the end, we as a nation will still decide kung ano ang mangyayari sa bayan natin. Now, it's up to us to choose a leader that can take our nation's wheel and actually steer it to the right direction.

And lastly, PLEASE, kung talagang di na maiiwasang puro paninira na lang ang gagawing pamamaraan ng panganampanya, do it at least without causing hassle sa ibang tao, okay? These applies regardless kung sino pa man kandidato mo. Huwag tularan ang mga hinayupak na 'to. Buset lang, eh.


No comments:

Post a Comment