In fairness hawig ni Kiko dito si Juan Manuel Marquez |
Tapos na din ang ungusan ng mga bise presidente. The best woman won.
Natapos na din ang game 7 ng NBA west conference. Nagwagi ang Warriors.
Oras na para sa main event. Chris Buffer, i-announce na kung sino ang maglalaban sa URCC Fight Night this coming June 25, 2016 sa Palace Pool Club, Taguig, Metro Manila. Let's get it on!
On the left corner, Baron "Trobol Boy" Geisler!
On the right corner, Kiko "Biglang Sapak" Matos!
Crowd goes wild! Tapusin! Tapusin! Tapusin! TAPUSIN MO NA 'YAAAAAN!
Sinong mag aakala na mauuwi sa isang official URCC bout ang awayang Baron-Kiko? As in isang pro-am division URCC Fight Night! Astig 'di ba? Can you imagine gaanong hype ang magagawa nito lalo na sa masusugid na hayok sa sapakan? Well, good for URCC at sa tingin ko this is the kind of publicity ang kailangan nila para makahakot ng viewers. Panis ang Top Rank ni Bob Arum sa promotion na 'to. Sa wakas mase-settle na din ng dalawang kumukulo ang dugo sa isa't isa ang kanilang ipinaglalaban.. kung meron man.
Sa mga di nakakaalam, nagsimula ang hidwaang Baron-Kiko sa isang benefit event sa isang bar. As usual, dumating si Baron na lasheng at medyo di nagustuhan ni Kiko ang inaasal nito sa loob ng bar. In fairness nag-offer naman ng peace si Baron pero ng aktong magkakamay at magyayakapan na ang dalawa - BOOM! Humiwalay ang lasheng na persona ni Baron sa sapak ni Kiko sa mukha n'ya. Daming umawat so wala ng second chance si Kiko mag follow-up punch. Mas lugi naman si Baron dahil ni hindi man lang nabigyang ng chance makaganti. Ang ending? Bitin si Kiko, bitin si Baron. at lalong bitin ang mga halimaw na viewers na hayok sa sapakan!
Tapusin! Tapusin! Tapusin! TAPUSIN MO NA 'YAAAAAN!
At ayun na nga, narinig ng URCC president Alvin Aguilar ang chant ng mga halimaw mula pa sa kabilang daigdig na once and for all eh tapusin na ang nabiting enkwentro nina Baron at Kiko. Sa bagay, mas okay na rin sa loob ng ring na lang sila mag rambulan at least kung may bungong mabasag eh may medical team namang nag-aabang sa tabi.
Naalala ko tuloy ang Celebrty Death Match ng MTV dati. Dapat sa ganito na lang daanin ang lahat ng awayan para nasa tamang environment. May kagalit ka sa opisina? Ayain mo sa URCC! May biglang sumingit sa pila? Ayain mo sa URCC! Ayaw magbayad ng utang? Ayain mo sa URCC! - pero KKB.
No comments:
Post a Comment