Thursday, May 26, 2016

SSS: Super Swipe Scammers!

Malakas ang radar ng mga SSS sa ATM at credit cards
Kung madalas ka mag mall, malamang naka-encounter ka na ng mga palakad-lakad sa mall na naka formal attire at nag-aalok ng kung ano-ano. Sila 'yung tatawagin talaga 'yung pansin mo to the point na almost nakaka-harass na. Aakitin ka nila sa mga "freebies" nila at kung ano-anong friendly spiels.

Huwag na huwag mong i-eentertain ang mga hinayupak na 'yan dahil sila ang tinatawag kong mga bwitre sa mall. Sila ang SSS (Super Swipe Scammers)!

Awang-awa ako pag nakikita kong meron silang nabibiktima. Lalo na kapag mga lolo at lola. Grabe lang kasi talagang sinasamantala nila ang pagiging trusting ng mga tao. Paborito din nilang biktimahin 'yung mukhang bagong salta sa siyudad o di kaya mga OFW. Mga anak ng tutsang talaga, di ba nila alam gaano kahirap kumita ng pera? Well, siguro alam din nila kasi di naman sila papasok sa ganyang trabaho kung hinde, pero di pa rin excuse 'yon para manloko ng tao.

Madalas na unang banat ng mga sira-ulong scammers na 'to ay: "May credit card/ATM ba kayo?"

Pag nagkamali ka ng sagot - BOOM! Di ka na papakawalan ng mga predators na 'to at para na silang bwitreng papaikot sa susunod nilang biktima. My advice is dedmahin na lang ang mga ganitong spiel nila and carry on saan ka man pupunta sa mall. Don't. Look. Back.

Pero unfortunately, may nabibitag pa rin sa mga matatamis na salita ng mga scammers na 'to. May mga nagsasabing na "hypnotize" daw sila. Please. Presence of mind lang talaga dapat ang pairalin. Siguro convenient na lang na rason ang hipnotismo para 'wag na lang masabing simpleng naisahan lang talaga sila. Iwas pahiya ba. At any rate, ang main aim ng mga gagong 'to ay maengganyo ang kanilang biktima sa kanilang too-good-to-be-true na offers.

Matapos makuha ng mga bwitreng ito ang loob ng biktima nila, dadalhin na nila ito sa kanilang pugad, este, pwesto sa mall. Aalukin ulit ang pobreng biktima ng rice cooker, massage chair, at ng kung ano-ano pang shit. Usually pinapalabas nila na nanalo sa promo ang biktima, na para bang ang swerte ng biktima dahil ang dami n'yang napanalunang "prizes". Well, ang di alam ng biktima eh lahat 'yan ay may kabayaran - literally.

Congrats! You just won the jack-POT (ba-dum-tsss!)
'Eto na ang moment of truth. Darating na tayo sa puntong hihingin ng mga bwitre ang credit card ng biktima. Minsan kahit ATM card pinapatos na rin nila. At siguro nga ay masyado ng nabilog ang ulo ng biktima kaya ibibigay naman n'ya ito willingly.

Fast forward pa ng ilang oras, matatauhan na lang ang biktima na meron na s'yang bagong foot massager at rice cooker sa bahay while limas na ang laman ng ATM n'ya or worse, sandamakmak na ang charges ng credit card n'ya. Hipnotismo? I don't think so. Nauto? Siguro. Nabiktima. Sigurado!

With all these said, bakit ba pinapayagan ang ganitong practice sa malls? Well, may fault din d'yan ang malls dahil sa sobrang gahaman nila makakuha ng concessionaires, kahit mga shady companies na gumagaw nito ay pinapatos na din nila. Ang mali lang nila eh di nila minomonitor kung nasa ayos pa ba ang pag-offer nila ng mga kung ano-anong shit na produkto nila. Obvious namang panloloko ang ginagawa ng mga bwitreng 'to so bakit kaya di na lang sila totally ipagbawal? Lalo ako naiinis dahil ang mga naka business attire na nang-aalok eh fully aware naman sa ginagawa nilang masama pero sige pa din sila. Sobrang aggressive pa nila madalas! Ang sasarap pag-uuntugin, eh,

Kaya ingat-ingat lang sa mga nag-ooffer sa mall. I-distinguish 'yung nag aalok ng credit card, flyers ng bahay/condo from nag-aalok ng kung ano-anong shit at huhuthutin ang pera mo. Hay, Digong, ikaw na'ng bahala sa mga bwiset na bwitreng 'yan.

Heto ang feature ng T3 regarding this modus.



No comments:

Post a Comment