"Pinoy Ballot kayo d'yan!" |
Burado na ang indelible ink sa daliri ng iba nating mga kababayan pero sariwa pa din ang voting experiences nila kahapon. Nagkaroon ng isolated cases ng malfunctioning voting machines at problema sa PWD/senior concerns pero naging successful naman daw ang botohan in general. I must agree compared sa last election, mas smooth nga ang naging botohan kahapon. Not to mention 'yung bilis ng pagbibilang ngayon ng mga boto. Kudos na rin sa Comelec kahit paano.
Napuno ba ng daliri ang Facebook timeline mo? O kaya ng Kathniel ballot pictures? Me? I'm just glad this election is in it's final stretch. Napakarami ng winasak na tahanan, pusong sinugatan, at matang pinaluha ng campaign period na 'to. Yup, parang tukso lang. Maraming magkakapamilya, magkakaibigan, at kahit magkasintahan ang pinaghiwalay ng eleksyon dahil lang sa pagkakaroon ng magkaibang kandidato. Wish ko lang magbati-bati na kayo dahil para na lang kayong tanga dahil mismong mga kandidato nga magkakabati na - kayo pa kaya? Ano pa bang pinaglalaban n'yo? Kiss sabay hug na!
While it's quite obvious who will win the presidential seat, medyo bakbakan pa din ang Marcos at Robredo sa VP slot. I just hope kung sino man manalo, eh matanggap ng maluwag ng lahat at magkasundo na lang for a better Philippines.
Who's your VP? |
For Leni supporters naman, sana matanggap na din ninyo na si Digong ang likely na magiging presidente. Tanggapin to the extent na walang mga ganitong bullshit akong mababasa sana:
Buset lang, eh. Kailangan po natin ng 100% cooperation ng lahat (oo, kahit mga anti-duterte) if we want to change our country for the better. Komut di nanalo manok mo sa presidentiable slot ganyanan na? Rebel attitude na? Come on, we need all the help that we can get. Sana your alliance and confidence are not just limited sa mga cast ng Daang Matuwid Show. Just be thankful na at least you have a Leni Robredo as the second leader of our nation. I always imagine Duterte-Robredo a good tandem dahil kumbaga sa Star Wars, kailangan balanse ang dark and light side ng force. I honestly believe Duterte will need "motherly" supervision from time to time.
In short, sana this election solidify us a a nation and not the other way around. I am personally excited sa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na buwan. I really hope na Duterte walks the talk. Sana huwag n'ya tayo lahat i-disappoint. And in return, sana bigyan din natin ng chance ang mamang ito. He might not be the typical politican that everybody expects, pero let's see, he might actually make a good change in our country. Tulungan tayong lahat.
Tara! Baguhin na natin ang Pilipinas.
Nahaks :) Good article!
ReplyDelete