The Checkered President |
Hi boss Rody, kamusta? Mukhang nasa hot seat na naman tayo, ah. Ikaw kasi eh, ang dalas mo magpa press con, ayan tuloy, ang daming nakukuhang pambato sa'yo. For example, itong nakaraang press con mo lang. Nakupo, ang dami mong sablay na sagot! Di ko alam kung hirap ka lang sa tagalog kaya ka namimis-interpret o sadyang wala ka na lang pake sa pwedeng interpretation ng sinasabi mo. Again, I don't worry about your intentions - just your mouth.
Tactless. 'Yan lang talaga makokomento ko sa'yo, bossing. Kahit gaano pa kaganda ang nasa isip mo kung sablay naman ang labas sa bibig mo - wala din! Saka minsan you tend to linger on things na wala namang saysay at nakakagulo lang sa usapan. Worse, mas nakakahanap butas pa sa mga plataporma mo. Minsan pa naman abangers sa ganyan ang media kaya ingat-ingat din pag may time.
Speaking of media, naaalala mo 'yung statement mo regarding journalist killings? Juice colored. Nayare ka ng todo 'dun! Una kong nabasa sa website ng GMA 'yung bits ng mga sinabi mo at talaga namang lumaki mga mata ko sa mga nabasa ko. Pero when I watched to whole press con video, gets ko naman na medyo na de-rail nga ang mga sinabi mo. Twisted. You were asked WHY pero 'nung sinagot mo na, ayun, iba-iba na interpretasyon ng media.
I'd suggest answer questons straight to the point na lang kesa naman humaba pa ng humaba at mas maging open pa for misinterpretation. Bibig mo na lang talaga ang mag-adjust, bossing. Alam ko wala kang pake masyado sa iisipin ng iba dahil nga ganyan ka na kamo pero come on - kung ikaw ang pagbabagong hinhintay ng Pilipinas sana mai-apply mo rin 'yon sa'yo kahit paano. Sa pananalita lalong lalo na. Di naman pwedeng lagi tayong sanggano mode. Oo, nakakatuwang isipin minsan na meron kaming presidenteng simple lang, down to earth, ganyan. Pero sana when occasion calls for it, medyo pino na din sana sa pagsasalita at lalong lalo na sa pag-iisip. FYI, medyo off talaga 'yung pag-sipol mo 'dun sa reporter sa press con kahit alam kong nagpapatawa ka lang at hindi mo naman meant mambastos. Again, all because of misinterpretation.
Luckily, kaninang tanghali natyempuhan ko si Miss Luchi Cruz Valdez ng TV5 sa programa n'yang Relasyon sa Radyo 5. Napagusapan nila ni Atty. Mel Sta. Maria ang mga pinagsasabi mo nga sa nakaraang presscon mo. Surprisingly, parehas kami ng pananaw sa mga nangyari. She believes na you were misinterpreted regarding journalist killings at agree din s'ya na tactless ka nga talaga. I recorded the segment and here it is.
With that, sana naman eh medyo ma-realize mo na ikaw na ang susunod na presidente ng Pilipinas. Sooner or later you will have to sacrifice a lot for this country. Your privacy, time, at preferences o mga nakasanayan na sa buhay. Hindi na lang Davao ang pinamimunuan mo ngayon bossing kaya sana lang talaga "change" is coming. Fistbump!
Nagmamalasakit,
Ronski
No comments:
Post a Comment