Sunday, June 12, 2016

Ronscreens: 1896: Ang Pagsilang

Happy Independence day!
In light of the ocassion, magbaliktanaw tayo sa isang album na nabuo para sa ika-100 taong selebrasyon ng ating kasarinlan - ang 1896: Ang Pagsilang!

Pinagsama-sama ang pinakamalulupit na banda ng dekada 90 para gumawa ng isang album for our centennial celebration of freedom. Nandyan ang Eraserheads, Rivermaya, The Youth, Francis Magalona, just to name a few. Kailan pa ulit mangyayari ang ganito? Literally impossible na since ang iba sa mga participants ng album na 'to are already gone (Francis Magalona, Gary Ignacio) o di kaya disbanded na (Color it Red, Agaw-Agimat). Para sa mga millennials, malamang di na nila kilala ang iba dito pero just the same, I can consider this album an important piece of Philippine history.

Intro pa lang ng 1896 ay alam mo nang matindihan ang album na 'to. First track is title Hanggang Ngayon by Siglo. Siglo is not an official band, it's just the collective name ng mga bandang involved sa kantang ito. Ito rin ang naging pinakasikat na kanta sa 1896. There's another track na sama sama ulit nagperform ang mga banda. It's the last track of the album titled Halo-Halong Digmaan by Himagsikan (again, another collective name).

I find all the songs sa 1896: Pagsilang beautiful in their own way. Ramdam mong ginawa nilang radio-friendly ang mga selections hanggang kaya. No uber noisy rock tunes (maybe a bit for Yano's Askal) nor weird stuff (medyo lang sa entry ng Eraserheads and Sugar Hiccup na Casa Fantastica and Siesyatnebonsotneicostoulim). Sinigurado siguro nilang maaappreciate ng isang ordinaryong pinoy ang buong album from start to finish. Enjoy!


BONUS: Ito naman ang live (na obvious namang hindi) performance ng Siglo singing Hanggang Ngayon. Pasensya na sa quality at nag iisa lang 'to sa Youtube. Panahong lantaran pa ang recorded applause at lip sync. Happy Independence day to all!

No comments:

Post a Comment