Ang nakaraan: Madilim o matuwid na daan? |
Pasensya na po sa ating mga masugid na tagasubaybay at medyo naging busy lang po ang inyong lingkod kaya ngayon lamang nagparamdam ulit. Matapos makatanggap ng requests sa mga sikat na authors like Stephen King, J.K. Rowling, at Margarita Holmes - heto na at masusundan na ulit ang ating kwento. Hallelujah!
Heto ang mga nakaraang chapters para sa mga ngayon pa lamang magsisimula sumama sa ating apocalyptic adventure.
And now on with our story. Enjoy!
CHAPTER 5: Change is Coming
Madilim. Mainit. Maingay. Hindi ako makagalaw. Syet - panaginip na naman? Meron akong paulit ulit na naririnig na tinig.
"Hold the door! Hold the doooor!"
Pamilyar ang boses. Teka, nasa gitna kami ng zombe attack 'di ba? Bakit ako nananaginip ngayon? Hindi ito ang tamang oras para matulog! Gising Ronski, GISIIIING!!!
At sa isang iglap natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang sasakyan. Nasa loob kasama ko sina Miriam Santiago, Robin Padilla, Anne Curtis, and Jejomar Binay. Naalala ko na! Nasa loob kami ng sasakyan ni Grace Poe at nawalan ako ng malay sa gitna ng komosyon. Pero nasaan na si Grace?
"Hold the door! Hold the doooor!" Sigaw ulit ni Miriam habang nakahawak sa pinto ng montero sina Robin at Binay. Tumulong na din ako sa paghawak sa pinto ng montero habang pinuputakte ng zombies ang aming sasakyan sa labas.
Grace Poe as Lady Panday (dark version pero smile pa din) |
"Umalis na tayo dito, Miriam! Ano pa ba'ng hinihintay natin? Hayaan mo na 'yan si Grace! Tinalikuran na n'ya ang pagiging Pilipino, remember?!" pasigaw na tanong ni Binay. Tiningnan lang s'ya ng masama ni Miriam.
"Gusto mong umalis? FINE!" mabilisang binuksan ni Miriam ang pintuan at sinipa si Binay palabas ng montero. Nagulantang kaming lahat sa ginawa ni Miriam pero this gave us the chance to sneak out of the vehicle. Busy na kasi ang mga zombies sa pagbu-buffet sa katawan ni Binay kaya ginamit namin ito para tulungan si Grace.
Pero huli na ang lahat. Naabutan na lang namin si Grace sa gitna ng mga nakahandusay na zombies. Hinihingal s'ya, naliligo sa dugo, at sugatan - pero naka smile pa din. Hawak pa rin n'ya ang kanyang katana habang tulala. Nag-aalangan kaming lumapit para kasing wala sa sarili si Grace na nakangiti sa kawalan. Parang nabaliw na yata.
Sa rooftop ng pulang building, kumakaway na si sniper Duterte sa amin.
"Ma'am Miriam, anong plano?" tanong ni Robin. "Malapit ng maubos ang katawan ni Binay (konti lang naman 'yon), isasama ba natin si Grace sa pulang building o hindi?"
"Mauna na kayo sa building, Robin. Ako na ang bahala kay Grace." matapang na sagot ni Miriam. "Hindi naman pwede 'yan ma'am! Di kita pwedeng pabayaan!" tanggi ni Robin.
"Huwag matigas ang ulo mo, Robin! Kailangan ka ng mga kasama mo para makarating sa building ng ligtas. Kaya ko ang sarili ko." pampakalmang sabi ni Miriam.
Bago pa makasabat si Robin ay biglang narinig na lamang namin ang mga zombies na palapit na naman sa amin. Parang nabitin lang sila sa katawan ni Binay. Tapos na sila sa appetizer and now they're ready for us - the main course!
"Oh no! Here they come!" sigaw ni Anne Curtis. Tulala lang si Robin at halatang naguguluhan. Bigla s'yang sinampal ni Miriam para matauhan. Doon ko napansin na sa braso ni Miriam ay may sugat - marka ng kagat. Oh no! (part 2) may kagat ng zombie si Miriam sa braso!
"I have little time. Please let me use this little time to teach these zombies a lesson they'll never forget!" seryosong litanya ni Miriam. Niyakap ni Robin si Miriam bago kami tumakbo papunta sa building. Nahati ang grupo ng zombies sa dalawa. 'Yung isa hinahabol kami, 'yung isa naman papunta kina Miriam at Grace Poe.
Nilapitan ni Miriam si Grace sabay tanong ng "Are you alright, dear?"
Ngumiti lang si Grace Poe sabay tumayo. "Better than ever. Look who's coming."
"You mean the zombies?" tanong ni Miriam. Umiling si Grace at tumuro sa likuran. "No. Change is coming."
Tumingin sa likod si Miriam at nakita ang palapit na kakampi. All the way from the laylayan ng lipunan - no other than Leni Robredo! May dala s'yang isang kariton ng armas. Bazooka, armalite, rifle, C4, granada, kwitis, lusis, at watusi.
Kaya pala kumakaway si Duterte from the rooftop kanina ay sinesenyasan n'ya si Leni na lumapit sa grupo. Apparently, pinadala pala ni Duterte si Leni to help. Ngayon may laban na ang trio na sina Miriam, Grace, at Leni against sa zombies. Tawagin na lang natin silang People Power Puff Girls.
Poe, Santiago, Robredo: People Power Puff Girls |
No comments:
Post a Comment