Friday, June 10, 2016

12 Unpopular TV Series You'd Probably Like

Loki vs House in The Night Manager
In relation to my previous post, 'eto na nga 'yung mga hidden gems na sinasabi ko. 'Yung mga TV series na di kasing sikat ng Game of Thrones or The Walking Dead pero de kalibre naman ang ganda ng story. Most of these TV series are serial pero may mangilan-ngilan din naman episodic so there's a fruitcake for everybody.

Ang iba sa mga hidden gems na 'to ay pwedeng narinig or nakita n'yo na somewhere pero may mga sinunod akong criteria sa pagpili ng mga TV series na 'to. Unang una, hindi dapat long-running. At most, dapat mga 2 seasons pa lang ang haba nito. Secondly, talagang under the radar 'yung TV series, meaning, kung magtatanong ka ng sampung tao - malamang 2-3 tao lang ang nakakaalam nito (plus may matching kamot ulo dahil di pa sila sure about it). And last criteria, of course, kailangan nagustuhan ko sila ng todo-todo! As in some of these TV series natapos ko talaga in one sitting.

So here they are, in alphabetical order, 12 unpopular TV Series you'd probably like!

1. Black Mirror (episodic/dark fiction) - Kung trip mo ng mind boggling stories and usually dark in nature, here's a series for you. Para s'yang modern day Twilight Zone na mas madaling sakyan pero matitindi ang premise ng stories. It tackles on sensitive matters mapa-political, psychological, at mga topics na talagang kikiliti sa utak mo. Tatlo lang ang episodes nito per season kaya naman sulit i-marathon ang 2 seasons nito plus its Christmas special (my favorite).


2. Crazy Ex-Girlfriend (serial/musical comedy) - This could be the newest TV series na nandito sa list. Kakatapos lang ng first season nito and I am surprised na wala s'ya masyadong ingay online. I mean, nakakatawa ang pagkakasulat ng episodes, witty ang mga composed songs (unlike Glee na puro revive lang), at ito na yata ang pinaka culturally diversed na palabas na nakita ko. May kano, pinoy, indian, latin, at italian sa roster ng cast - 'san ka pa?


3. Fargo (serial/crime drama) - First season ng Fargo is hands down pure awesomeness. Cliffhanger ang bawat ending ng episodes at ang huhusay ng mga bida. Pwede s'yang lumebel sa Breaking Bad sa suspense. Second season is not as good as the first season pero it's still good considering na it's somewhat a prequel to the first season. Aside from crime drama, may halong sci-fi na din ang second season n'ya. Fargo will surely keep you coming back for more!


4. Flight of the Conchords (episodic/musical comedy) - Another musical comedy. Ito ang kauna-unahang underground TV series na inabangan ko talaga. Ang tandem ng mga bida dito na sina Jemaine and Bret is solid comedy talaga! I can't stress enough kung gaano kagaling ang mga songwriters na 'to. Patawa din 'yung manager nilang si Murray. These 2 semi-episodic seasons tell the story of a 2-man band from New Zealand trying to survive sa USA.


5. Humans (serial/science fiction) - Sa future daw meron ng mga robot (synths) na nakakasama natin sa society. Usually lower category sila sa mga tao pero ang di nila alam, may mga synths nang nakahalo sa society which are more advanced kaya hindi lang halata. This series deals with socio-cultural at psychological implications ng pamumuhay side by side with these human-like robots called synths. Isang season pa lang ang TV series na 'to.


6. Narcos (serial/crime thriller) - This series tells the story of the infamous drug kingpin Pablo Escobar. Isang season pa lang ang Narcos pero hitik na hitik na sa action at heart pounding suspense ang bawat episode. Sobrang ganda ng takbo ng istorya at swak na swak din ang pagganap ni Wagner Moura as Pablo Escobar. Total badass! Sa ganda ng writing ng script, napapasimpatya ka sa isang drug lord! Biruin mo 'yon? Good luck na lang s'ya kay Duterte.


7. Sense8 (serial/science fiction) - Dahil frustrated ako sa reboot ng Heroes, this TV series was my saving grace. Ang galing ng idea 'nung palabas. Tingnan mo kung di ka maku-curious sa premise: Walong iba't ibang tao, from different locations, culture, at paniniwala ay connected mentally at emotionally. With this, kahit di sila magkakasama physically, nakakapag-usap at nakikipaglaban sila together apart - or apart together? Ah, basta! One season pa lang naman s'ya so panoorin mo na lang.


8. The Brink (serial/political comedy) - Simulan ko na sa pang-malakasan. Bida lang naman dito si Jack Black. 'Dun pa lang pamatay na, eh. Don't get me wrong, hindi ito slapstick comedy - ang ganda ng plot ng 10-episode season na 'to since it tackles sensitive topics such as terrorism and politics. Hindi mo aakalaing comedy s'ya dahil sa involved na seryosong action sequences at pabitin episode endings. Nag-green light na ang The Brink for second season so nood na!


9. The Night Manager (serial/crime thriller) - Nako, 'eto malamang sabihin ko pa lang ang bida siguradong panonoorin na ng mga kababaihan. Ang bida lang naman ay si bae Tom Hiddleston. Sabihin ko pa ba story o enough na 'yung bida as panghatak? Seriously speaking, kahit 6 episodes lang s'ya, siksik liglig naman sa ganda ng miniseries na 'to! Literal na 'di ko tinulugan ang series na 'to at tinapos ko sa isang gabi lang. Garantisadong sulit ang eyebags mo dito,


10. True Detective (serial/crime drama) - Dalawang season na ang TV series na 'to and stand alone ang bawat season. Ito na siguro ang pinakasikat sa list na 'to dahil medyo madami-dami na din akong kilalang nakakaalam nito. Star studded ang True Detective with the likes of Matthew McConaughey (season 1) and Collin Farrell (season 2). Seryoso ang tone ng police TV series na 'to at aabangan mo talaga ang bawat episode sa ganda ng character development. Highly recommended!


11. Utopia (serial/action thriller) - Isa na namang Brit TV series sa list. Come to think of it, may mangilan-ngilan na ding Brit TV series sa list na 'to. Eh kasi naman, ang lulupit talaga ng ibang palabas nila - including this hidden gem. Two season pa lang s'ya pero solid suspense naman ang bawat laman ng episode. Unique ang story at well written ang mga chraracters. I'm so glad I stumbled upon this TV series because I am a real sucker for good story and cliffhanger episode endings.


12. Wayward Pines (serial/science fiction) - Isa pang semi-sikat na TV series na in fairness medyo hidden pa din naman. Para s'yang The Walking Dead na Truman Show na Hunger Games. Basta parang a mixture of all that. On going ang season 2 ng Wayward Pines and it's looking goo! Ang matindi, nagustuhan s'ya ng misis ko na napakabihirang magkagusto sa foreign TV series. Mahilig s'yang manood ng pinoy teleserye at para magustuhan n'ya ang Wayward Pines - it must be good!


1 comment:


  1. Thank you for sharing..Just keep on writing an article
    I love eating while watching movies. Try to visit this site to watch movie online for free.. ^__^

    Where to watch movies

    Watch movie online for free

    Watch movies online

    American Tv Series

    Korean Tv series


    for more trending news try to visit "
    "is now Trending"


    Thank you for sharing..I will tell my friend and cousins about your blog




    Lucia Joaquin Movie - Cause of Death
    Lucia Joaquin
    Lucia Joaquin movie - the revenge begins



    ReplyDelete