Thursday, April 7, 2016

The Duterte Supporters Anomaly

Si ate jejemon na Duterte supporter DAW
Lately ang dami kong nababasang negatibo about sa supporters ni Duterte. Andyan 'yung may nag-photobomb sa pictorial ni Mar sa Hong Kong, meron din 'yung magme-message kay Mar sa FB para na kunwari susuportahan s'ya sabay joke-joke lang pala. If these are true, 'di nila alam dahil 'don mas nakukuha ni Mar ang awa at simpatya ng mga tao. Well, that's if KUNG talagang Duterte supporters ang gumagawa 'non. So my skeptic mind began to think - may anomalya ba dito?

Kakaiba na kasi ang siraan ngayon sa social media. Di mo na malaman kung ano na ang totoo sa hindi. Ang dami pa namang uto-uto na konting kibot lang papatol agad sa isang malicious post. Di na nag-iisip. Sakay agad sa bandwagon ng bashers. Tsk, sadly ganyan talaga ang sistema.

Pero what if hindi pala talaga Duterte supporters ang mga nagkakalat ng threats sa social media? What if si ate photobomber e scripted lang din pala? What if 'yung mga nag-message kay Mar sa FB eh planado din para maawa lalo ang tao kay Mar? I am not saying these are all true pero nag-iisip lang ako sa possibilities. Napakadali lang namang gawin 'yan ngayon sa social media. To stir confusion. As I've said ibang level na ang siraan ngayon sa politika so wala na talagang imposible.

Pero for the sake of being fair, granting na totoo ngang supporters ni Duterte ang mga 'yon, tama ba namang idamay si Duterte sa kagaguhan nila? Inutusan ba ni Duterte ang mga sira-ulong supporters na 'yan na maghasik ng lagim sa social media? Clearly these supporters were out of line pero to link this to the one they support is just unfair. Gaano ba kahirap gumawa ng dummy account sa FB at mag-pose kunware as Duterte supporter then cause havoc sa social media? That's right, napakadali. So to make this basis against Duterte is completely unstable. Hindi po kontrolado ni Duterte ang utak ng bawat taong sumusuporta sa kanya - hindi po s'ya si Professor X.

Actually, mas prone pang magkasuntukan ang supporters kesa sa mga magkakalaban sa candidacy, eh. Ang mga solid supporters talaga 'yung halos handang mamatay para lang sa manok nila. Hindi ba pwedeng mangampanya ng walang sinisiraang kalaban? Talagang dumating na tayo sa punto ng walang pakundangang pukulan ng putik. All out war na. Hitting below the belt is allowed. Royal rumble matira matibay. Sigh, sana lahat tayo maging mapanuri at wag padalos dalos sa pag-iisip. Maging skeptic sa mga nababasa sa internet. Kung hindi mismo napanood ng live, galing sa super reliable source, o mismong galing sa bibig ng kandidato - huwag agad maniniwala. Kung 'yun ngang as in nasabi na at pinangako pa di natutupad 'yun pa kayang nabasa mo lang kung saan.

At sa huli, learn to agree to disagree. Walang pilitan. Tulad ni Duterte, 'di natin kontrolado ang utak ng kahit sino. Peace out!

1 comment:

  1. Tama ka sa mga sinabi mo rito. Sa totoo lang, kahit isa ako sa mga sumuporta kay Duterte, hindi sumagi sa utak ko ang maging isa sa mga gaya nila —na sinasama pa ang pangalan ng kandidato sa kagaguhan nila. Tangina, gaya ng mga sinabi ko nitong nagdaang panahon ng pangangampanya, kung may sisira pa ng imahe ni Digong, yun ay yung mga ilan sa tagahanga niya na umaastang-siraulo. Pag hindi bet si Rody, rereypin mo, o hihilingin mo na sana mamatay o may magpalastangan sa mga kaanak, kaibigan, o sa'yo mismo? Palibhasa kasi mga matatapang sa internet eh.

    ReplyDelete